Chapter 5

3.9K 113 0
                                    

"TIME to drink your medicine, Sir."

Nakangiting ibinaba ni Chantal ang tray ng mga gamot ni Mr. Schmitz sa ibabaw ng bed side table ng ginoo. Araw ng linggo at ikinaiinis niyang sa buong maghapon ay hindi man lang dumaan sa mental ang bruhong magdamag na laman ng isip niya ng nagdaang gabi. Rest day pa naman niya bukas. Paano kung bukas dumalaw si Zuriel Andreau? Ibig sabihin, dalawang araw din na hindi niya makikita ang energizer niya?

"Oh? What happened to daddy, hija?" narinig niyang may himig pang-aasar na tanong ng ginoo.

Noong malaman niya na ito ang ama ni Zuriel Andreau at base sa evaluation dati rito ni Doc. Enriquez na nangungulila ito sa anak ay tinatawag na din niya itong daddy. Nang paunti-unti nang bumabalik ang katinuan ng ginoo ay saka ito nagtanong sa kanya kung bakit niya ito tinatawag na daddy gayong wala daw itong anak na babae. Isa lang naman ang naging sagot niya.

'Malapit niyo na po akong maging daughter in law. Paglabas niyo dito sa hospital, magpapakasal na kami ng anak niyo.'

Napakaraming beses nitong itinatanong sa kanya iyon, hanggang sa nang magkaroon na ng magandang development ang mahabang gamutan nito ay nakasanayan na nito na tinatawag niya ang ginoo sa ganoon.

Ngayon nga ay maayos na ang kondisyon ng ginoo. Siguro ay isa o dalawang linggo nalang at pupwede na itong lumabas. Depende sa magiging evaluation ng psychiatrist nito.

Saglit na binalingan niya ang ginoo habang kumukuha ng gamot sa tray. Nginitian niya si Mr. Schmitz pagkuway lumapit na rito.

"Eh kasi, magaling na po kayo. Kaya, dapat na po nating sanayin ang isa't-isa na maging maayos yung pag-a-address ko sa inyo." Aniya habang iniaabot sa ginoo ang gamot nito. "Inumin niyo na po." Saka iniabot din ang baso ng tubig.

And he did as what she told him to do so. Panatag siyang mag-tagalog sa pakikipag-usap rito dahil maski may German blood ang ginoo ay matatas naman itong managalog.

"Hindi ka ba masaya na magaling na ako, hija?"

Patayo na siya ng marinig itong magsalita. Ngumiti siya muli pero sa pagkakataong iyon ang matipid na ngiti na lamang ang nagawa niyang ibigay rito.

"Based on your face, hindi ka nga masaya."

Bumuntong-hininga siya. "Eh paano naman po kasi, ang ibig sabihin ng magaling na kayo, malapit na kayong lumabas ng mental hospital." Hindi niya napigilan ang sarili na sabihin ang bagay na iyon sa ginoo.

Nangunot naman ang noo ni Mr. Schmitz. Tila nagtataka ito.

"So? It only means that you'll going to marry my son, right? Aren't you happy?"

Napangiwi siya.

'Kung alam niyo lang, pangarap ko po talaga yun!'

Hindi niya inaaasahan na matatandaan pa nito ang sinabi niyang iyon. Kahit hindi ito i-evaluate ni Doc. Enriquez, sigurado na siyang magaling na ito. Nitong nakaraan kasi, kung makipag-usap ito sa kanya o sa kahit na kanino ay tila hindi ito nagkaroon ng sakit sa pag-iisip.

'Mali po. Ang ibig sabihin ng magaling na kayo, hindi ko na makikita ang anak niyo.'

Tumikhim si Chantal upang alisin ang mga nakabarang salita sa kanyang lalamunan. "Ang totoo Sir, may kasalanan po ako sa inyo."

"Ha?"

"The truth is, hindi naman po talaga kami magpapakasal ni Zuriel kapag gumaling kayo."

Halatang gulat na gulat ang ginoo sa pagkatigalgal nito, nag-alala tuloy siya na baka magkaroon na naman ito ng mental stress at sa halip na gumaling ay bumalik ang sakit nito. Pabor sa kanya iyon. Pero hindi naman siya makasariling tao na hihilinging magkasakit ang isang tao para lang sa pansarili niyang kaligayahan. Kaya't maagap siyang nagpaliwanag.

Dare To Love You (completed_published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon