CHAPTER 1
"WHAT'S with the face?" untag ni Lilith kay Chantal.
Masaya naman talaga si Chantal para sa kaibigang si Lilith dahil sa wakas ay mababawasan na din ang mga baliw sa mundo ng mga single. Hindi nga lang iyon halata sa kanya dahil kanina pa siyang nakasambakol ang mukha habang sayang-saya naman ang huli sa pagfi-fit ng gown na susuotin nito sa engagement party.
Kasalukuyan silang naroroon sa isa sa mga boutique na sakop ng Villafuerte Garments—ang napapanahong pinakasikat na garments company—para i-fit ang mga gown na idinesenyo ng kanilang online friend na si Ellisejade Imperial. Lead designer ito ng kompanya. Sa internet lang sila nagkakila-kilalang tatlo noong college days nila, subalit nang mag-eyeball ay mabilis na nagkapalagayang loob. Naging instant barkada sila mapa-online man o real life. Hindi na nakapagtataka iyon dahil pare-pareho silang magaling makipagkaibigan. Sa katunayan, masyadong malawak ang circle of friends nila.
Nitong nakaraan ay dumalo sila ni Lilith sa fashion show na ini-organize ng kompanya ay nabuo ang dare nilang magkakaibigan. At ang dare na iyon ang dahilan ng pagsisintir niya ngayon.
Kung makikita ang kasiyahan sa mukha nina Ellisejade, lalo na kay Lilith, siya naman ay kabaligtaran.
"You don't like the details?" si Ellisejade na halatang nadismaya.
Paanong hindi? Pang-international ang mga design nito at talagang pinupuri ng marami habang siya naman ay tila di nasisiyahan. To think na kaibigan siya nito.
"I like it, Ellise dear." Aniyang tinunghayan ang sarili sa kabi-kabilang mga salamin na naroroon sa kabuuan ng boutique.
Suot pa rin niya ang gown na susuotin sa engagement party ni Lilith.
"Pero?" tanong muli ng kaibigan na halatang humihingi ng eksplinasyon.
"Pero mas gusto kong suotin yung gown ni Lilith!" malakas na bulalas niya.
Saglit na natigilan ang mga ito. Pagkuway bumulalas ng malakas na tawa. Nayamot naman siyang lalo.
"Anong joke?" asar na sumalampak siya sa nakitang single couch roon.
She's dead serious but they just laugh at her misery. Their crazy! Maigi pa yatang i-suggest niyang magpatingin na ang mga ito. Palagay niya'y may kulang na turnilyo ang utak ng mga kaibigan. At tutal naman, sa edad na bente-otso ay isa na siyang head psychiatric nurse sa isang mental hospital, mas magiging mabilis ang pag-admit sa mga ito.
Hindi nga niya maunawaan ang sarili kung bakit sa dinami-dami ng magagandang kurso, ang pag-aalaga pa sa mga nasisiraan ng bait ang napili niyang pag-aralan. Noon naman kasi ay naging maganda lang sa kanyang pandinig ang pagiging psychology student kaya't iyon ang kinuha niya. Na-naenjoy naman niya iyon hanggang sa hindi niya namalayang ga-graduate na pala siya.
Galing siya sa mayamang pamilya ng mga Villacorte na may-ari ng Villacorte Laboratories Inc. Nag-iisa siyang anak na babae kaya't ang lahat ng naisin niya ay nakukuha niya. At kung tutuusin, ang mahabang panahon niyang pagtatrabaho ay maituturing na lamang na isa sa mga luho niya. Hindi siya nagtatrabaho para sa sweldo dahil nasa kalahati lang ng monthly allowance niya ang kinikita niya sa pagtatrabaho. Wala nalang kasi talaga siyang maisip gawin sa buhay kaya't ang pakikipagtitigan at pakikipag-usap sa mga baliw ang kanyang naging libangan. Siguro, ipinanganak na rin talaga siyang kulang rin ng isang turnilyo sa ulo kung kaya't nag-eenjoy siyang makasalamuha ang mga baliw nilang pasyente.
"Nagtanong ka pa." tugon naman ni Ellisejade na sumunod sa kanya. Sumunod na rin si Lilith sa kanila na suot pa rin ang gown nito. Lalo lamang siyang nakadama ng pagngingitngit. "Ikaw ba ang bride at gusto mong sayo ang gown ni Lilith?"
BINABASA MO ANG
Dare To Love You (completed_published)
RomanceRepublished. Written by Gazchela Aerienne Chantal Yvonne was getting depressed on how Zuriel Andreau would be aware of her existence. Pinagtatawanan na siya ng mga kaibigan at hinamong paibigin ang binata sa loob ng tatlong buwan na duda siyang mana...