CHAPTER 3

4K 94 0
                                    

"FIRE IT." Hindi napigilang saad ni Chantal sa kaharap na binata.

Kanina pa kasi itong nakatingin sa kanya na animo may gustong sabihin subalit tila nagdadalawang isip ilabas ang nasa isip.

Nasa pinakamalapit na grill restaurant sila at sabay na nanananghalian. Sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng dalawang taong magkakilala at hinaharot niya si Zuriel Andreau, ngayon pa lamang nangyaring kumain sila sa labas ng magkasabay. Sa tuwing magyayaya kasi siya rito ng date, isang malutong na NO ang natatanggap niya. At dahil sapilitan lang naman itong pagpayag ng binata ngayon kaya sila nagkaroon ng pagkakataon na lumabas, hindi maituturing na date ang ginagawa nila.

They weren't on a real date. Hindi niya masasabing first accomplishment ng Mission: Paibigin si Zuriel Andreau ang ginagawa nila. Though, inaamin niya sa sarili na talagang masayang-masaya siya ng mga sandaling iyon. Maski papaano kasi ay makakasabay niya ito sa pagkain at magkakasama sila ng mas matagal kumpara sa karaniwan.

Narinig ni Chantal ang mahabang pagbuntong-hininga ni Zuriel Andreau. Ilang sandali pa at nagsalita na ito. "Nanliligaw ba sayo si Doc. Drake?"

Nabitin sa ere ang tangkang pagsubo ni Chantal sa sariling pagkain. Nanibago siyang bigla sa tono ng pagtatanong ni Zuriel Andreau. Dati-rati ay wala naman itong pakialam sa kanya. Bakit ngayo'y nagtatanong ito ng ganoong bagay patungkol sa kanya?

And she saw something in his eyes that she can't recognize at the moment. Para itong naiinis na nahihirapang ilabas ang sariling tanong.

Napaisip tuloy siya. May gusto siyang mapatunayan. Ano kaya kung magtahi-tahi siya ng kwento?

"Hindi pa." kunway balewalang saad niya.

"Hindi pa? You mean, may balak siyang manligaw?" Nagdilim ang mukha ni Zuriel Andreau. Sa puntong iyon ay nagkakalaman na ang hinala niya.

"Ano sa palagay mo? Hindi ba't halata namang gusto niya ako? I know, humahanap lang siya ng magandang timing para umeksena."

"Tss! At balak mo siyang sagutin?"

Ngumisi siya ng malapad saka isinubo ang nabiting pagkain. Nakamasid lang naman si Zuriel Andreau sa kanya na tila hinihintay ang sasabihin niya. Nang hindi pa din siya nagsasalita ay nagsimula na naman itong bumanat.

"He's a playboy, Yvonne."

"Why are you condemning him?"

"Sinasabi ko lang ang opinion ko. Kilala ko ang mga katulad niya."

"Because he's one of your kind?" seryoso nang saad niya.

Hindi ito nakapagsalita. Marahil ay dahil aminado naman ito sa sarili. Sa loob ng dalawang taon, pinakyaw na yata nito ang mga babaeng psychiatric nurse ng mental hospital na pinagtatrabahuhan niya. Linggo-linggo kong magpalit ito ng idine-date. Basta't mababalitaan nalang niya isang araw na ibang babae na ang niyayaya nitong lumabas. Ang hindi niya lang maintindihan, maski ganoon na alam ng mga babae roon ang reputasyon nito sa pakikipagrelasyon, patuloy at patuloy pa ring may nagpapabiktima rito. Ganoon nga yata talagang kalakas ang charm nito kaya't maraming nagpapakatanga sa binata. At isa na nga siya sa mga iyon. Dahil maski ganoong alam niya ang likaw ng bituka nito at maski pinagsusupladuhan na siya nito, hindi pa din siya maawat sa paghabol kay Zuriel Andreau.

"I like him just how I like you, Zuriel Andreau. At dahil antagal ko ng nanliligaw sayo pero ayaw mo naman sa akin, mas maigi pa na sa kanya nalang ako. Kapag nanligaw siya, sasagutin ko siya agad."

"You're crazy!"

Pigil-pigil ni Chantal ang sarili na mapangiti. Maliwanag pa sa sikat ng araw ang ibinabadya ng madilim na pagmumukha ni Zuriel Andreau. Nakasilip tuloy siya ng isang napakalaking pag-asa. As a psychologist, alam niya na posibleng ang dahilan ng pagsisintir nito ay selos. Hindi niya lang maintindihan kung bakit ayaw nitong umamin.

Dare To Love You (completed_published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon