"CHANTAL, parang si Zuriel 'yun."
Hinanap ng mga mata ni Chantal ang itinuturo ni Lilith. Nasa mall sila at kakatagpuin ang kaibigang si Ellisejade pero dahil mukhang matatagalan pa iyong dumating kaya't pumasok muna sila ng department store. Kapag araw ng linggo at hindi busy ang isa't-isa ay nagbo-bonding talaga silang tatlo. Kung makapag-drama naman kasi si Ellisejade na busy raw ang mga highschool bestfriends nito at nabo-bored sa buhay ay talagang makukumbinsi ang kahit na sino na samahan ito.
"Nasaan ba? Hindi ko makita." Angal niya.
"Ayun o!"
Sa wakas ay natagpuan din ng mga mata niya ang hinahanap. Biglang umakyat ang dugo niya sa kanyang ulo pagkakita sa maputing braso na naka-abrisiete kay Zuriel Andreau.
Ang walanghiyang lalaki! Akala ba niya'y may emergency itong pupuntahan? Ano't naroroon lang ito sa mall at nagpapakasaya kasama ng maputing babaeng iyon?
Bigla ang pasok ng reyalisasyon sa kanya!
Hindi kaya, ito ang Snow na kausap nito sa cellphone kanina?
Mabilis na kumilos si Chantal para lapitan sina Zuriel Andreau at ang babaeng kasama nito. Pero mas naging mabilis ang pagpigil sa kanya ni Lilith.
"Saan ka pupunta?"
"Saan pa? Eh di susugudin ang dalawang yun." Nag-uusok ang bumbunan na tugon niya kay Lilith.
"Baliw ka na bang talaga? Bakit ka susugod? Girlfriend ka ba ni Zuriel? Balak mo pa talagang mag-eskandalo? Stop acting like a jealous girlfriend because you're not!"
Sa sinabing iyon ni Lilith ay parang nahimasmasan siya at mabilis na nag-sink in ang katotohanang wala silang kahit na anong malalim na relasyon ng binata. They're plainly dating because of that damn dare!
She forced to calm herself down when she looked at them again. Subalit maski ano yatang pagpapakalma niya sa sarili ay hindi umuobra. Kumukulo pa din ang dugo niya at parang gusto niyang himatayin ng mas lumapit pa ang babae kay Zuriel Andreau at halos yumakap na sa binata. Ang nais pa niyang ipaghurumentado ay nang maramdaman na animo sinusuntok ang kanyang dibdib matapos ngiting-ngiting akbayan ni Zuriel Andreau ang babae. Parang sayang-saya ito na iyon ang kasama. Samantalang kapag sila ang magkasama, mabibilang ang mga pagkakataon na ngumingiti ito, at hindi pa ganoon kalapad.
Hindi rin niya matanggap na mas pinili nitong samahan ang babaeng iyon na mamasyal kesa sa kanya. Ano lang ba ang naging lamang sa kanya ng babae? Mas maputi lang iyon sa kanya dahil para iyong pinagulong sa harina sa sobrang kaputian. Pero mas matangkad siya roon. Kung sa pagandahan naman, hindi rin siya papatalo.
Sa labis na pagkayamot ay si Lilith ang napagbuntunan niya. Hinampas niya ito sa balikat.
"Aray!" reklamo nito.
"Nakakainis ka! Bakit itinuro mo pa sa akin ang nakaka-eyesore na mga alien na iyon?"
Ngumisi si Lilith. "Sa mata ba talaga masakit?" pang-aasar nito.
Inirapan niya ang kaibigan at humablot ng isang blouse na naka-hanger. Wala talaga siyang balak na bumili o tumingin ng damit pero dahil wala na siyang maisip na gawin para maibaling ang atensyon mula kina Zuriel Andreau ay umabot nalang siya ng kung anu-anong mahagip ng kanyang mga mata habang naglalakad sila. Naroong kumuha siya ng lipstick sa make up section, nang baby dress set na nakapatong sa mga nakatuping damit at kung anu-ano pang pwede at magkakasya sa kamay niya. Pero kapag nabuwisit naman ay basta nalang ding ipinapatong sa kung saan.
BINABASA MO ANG
Dare To Love You (completed_published)
RomanceRepublished. Written by Gazchela Aerienne Chantal Yvonne was getting depressed on how Zuriel Andreau would be aware of her existence. Pinagtatawanan na siya ng mga kaibigan at hinamong paibigin ang binata sa loob ng tatlong buwan na duda siyang mana...