Chapter 2

4.3K 120 2
                                    

CHAPTER 2

"TULALA ka na naman diyan, Chantal? Baka kailangan mo na ding magpatingin."

Napalingon si Chantal sa nakakalokong nagsalitang si Doc. Drake. Psychiatrist din ito roon. Sa una pa lang araw ng pagkakakilala nila sa mental hospital na iyon, trip na talaga siya nitong asar-asarin. It was two years ago. Nauna lang ito ng ilang buwan ng makilala niya si Zuriel Andreau. Minsan nga ay napagkakamalan na silang may relasyon. Marami ang naiinggit sa kanya na kababaihan na katrabaho nila dahil sa closeness nila ni Drake. Madami kasi ang nagkakagusto at nagpapapansin sa binata. At hindi na iyon nakapagtataka dahil gwapo, sweet at mabait naman ito. Pero maski ganoon ay di niya makuhang tuluyang mahulog ang loob rito.

Siguro may pagkakataon na muntik na. Muntik lang dahil nakilala niya ang gwapo at playboy na masungit na si Zuriel Andreau.

Pure friendship lang talaga ang meron sa pagitan nila ni Drake. Minsan nga ay nasabihan pa siya ni Ellisejade na duling daw siya dahil pakalat-kalat na nga sa harapan niya si Drake pero si Zuriel Andreau pa ang hinahabol niya.

Nagpart-time model sa Villanueva Garments si Drake noong nasa huling taon ito sa college kaya't kilala ni Ellisejade. Close din ang dalawa. Kaya naman naging madali sa kanya ang maka-close ito.

Pinagtaasan niya ng kilay si Drake. "Nagsisimula ka na namang bruho ka. Ako na naman ang nakita mo."

Pinagtawanan ni Drake ang naging reaksyon niya. Maski ito ang isa sa mga pinakamagagaling na psychiatrist doon at head psychiatric nurse lang naman siya, hindi siya naiilang na taray-tarayan ito.

"Ikaw naman kasi." Lumapit ito sa upper desk na kinukubabawan niyang kanina pa. "Kanina pang nakaalis iyong lalaking puntirya mo, hanggang ngayon nakatulala ka pa din diyan. Mapapanis ka lamang kakahintay sa kanyang dumaan. Mamaya pa ang labas niya sa office ni Dra. Enriquez."

"Hmp! Paano mo naman nalaman?" dumistansya siya at nagkunwaring busy sa pagso-sort ng mga files.

"Nanggaling ako doon, ngayon lang. Maraming idini-discuss si Dra. sa kanya."

"Weh?" tiningnan niyang maigi si Drake. Baka kasi pinagtitrip-an na naman siya nito. Dadaan na pala si Zuriel Andreau pero sasabihin nito sa kanyang wala pa. Madalas nitong gawin iyon sa kanya kaya't ngayo'y nagsisigurado siya.

"Oo nga." Tumingin ito sa kung saan pagkuway hinagip ang kanyang braso. Babawiin sana niya iyon ng mahulaan kung anong pakay nito. Sinisilip nito ang kanyang wrist watch. "Lunch na agad? Halika? Kain muna tayo." Anyaya nito.

Binawi niya ang sariling braso. "Mamaya na ako. Walang tatao dito sa nurse station. Pinauna ko silang mag-lunch." Ang tinutukoy niya ay ang iba pang mga nurse.

"Andyan pa sina Bessy." Anito. "Bessy, come here."

Lumapit naman nga ang tinatawag. "Yes, Doc?"

"Dito ka muna. Kakain lang kami."

Ngumiti ng makahulugan si Bessy. "Sure Doc."

"Pero—"

"Let's go." Deretsong pumasok ito sa nurse station at hinila siya palabas.

"Mamaya na nga ako magla-lunch—"

"Excuse me."

Nagulat si Chantal ng may isa pang kamay na humawak rin sa kabilang braso niya at tila pinipigilan siyang umalis. At ang mas ikinagulat niya ay ang timbre ng boses na permanente na yatang huminto sa kanyang pandinig. Tila paulit-ulit na naririnig niya ang tinig ng nagsalita. Marahil ay dahil hindi agad na-process ng utak niya na tama ang kanyang hinala. Nang lingunin niya ito ay saka pa lang nag-sink in sa utak niyang hindi siya nagkamali sa pagtukoy sa pamilyar na boses na iyon. Subalit ang mas higit niyang ipinagtataka ay kung bakit siya pinipigilan nito.

Dare To Love You (completed_published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon