Cheska's POV
Halos hindi ko malunok-lunok ang aking pagkain dahil sa sobrang sakit na aking nararamdaman. Eto nga si Ino, nasa harap ko lang. Ilang dangkal lang at mahahawakan ko siya, mayayakap, ngunit tila napakalayo.
Kaya ko bang makipagsapalaran?
Kung nakikita kong baka mas lalo lang akong makukulong sa hawlang ginawa nito para sa akin? Walang luwang para makagalaw. Walang kalayaan... kalayaang mamili ng gusgustuhin ko, ng taong pakikisamahan, pakisalamuhan?
Hahayaan ko ba siyang magdikta sa akin? At hanggang kailan? Kapag nawala na ako sa aking sarili? Ng pagpapahalaga sa aking sarili?
At mahal nga ba talaga ako, o ang katawan ko lang? Dahil kung mahal niya ako, tanggap niya kung ano at sino ako. Kung paano ako magdamit, kung sino ang mga kaibigan ko, and kung ano ang mga gusto ko. Hindi iyong binabago niya ako dahil lang hindi ako ang binubuo ng babaeng pinapangarap niya.
Hinde. Nakaya ko ng ilang buwang hindi siya nakita, nakasama. Unti-unti na akong nakabangon.
Hindi na ako muling babalik sa hawla ni Luciano.
Hindi ko na ulit hahayaang sasaktan nito ako. Na ikulong ako sa sinasabi nitong pag-ibig niya, at saka naglalandi naman ng iba.
Sa pagkaalala kay Dulce, bumalik ang mga hinanakit niya rito, ang galit, panibugho. Hindi man lang humingi ng tawad.
Sinalubong ko ang mga titig ni Luciano na tila hinihigop ako ng buo. Nang-aarok, nanunuot hanggang buto. And there was also some tenderness in it, ngunit ayaw ko itong bigyan ng kahulugan. Ayaw kong isipin man lang.
"Hindi mo naman siguro sisirain ang buhay mo dahil lang sa ego mong nasaktan ko, Luciano," pigil ko ang galit na aking turan. Natahimik ito na tila nag-iisip ngunit ang mga mala-uwak na mga mata ay nakatutok sa akin. Na animo'y bigla akong mawawalang tila bula sa kanyang paningin.
Wala sa sariling kumuha muli ako ng isang sushi na nabalot ng seaweed at may smoke salmon na nasa ibabaw.
Ramdam na ramdam ko ang titig ni Luciano, pinapanood ang bawat galaw ko, at ang hirap gumalaw sa harap niya na parang normal lang. Na walang epekto niyon sa akin.
Dumating ang pagkain nito, ngunit hindi naman niya ginagalaw. Ang inumin lang nito ang marahang sinisipsip habang nakapinid sa kanyang mukha ang titig nitong napakalagkit.
"Ang sabi ko nuon sayo, Cheska. Pinasok mo ang mundo ko, wala ka ng lalabasan. At hindi ko hahayaang sa iba ka mapunta. You're mine, and will always be mine, baby. At kung sino man ang Bryan na iyon, he'll have to go over my dead body bago ka niya malapitan man lang," tumigas ang pangang pahayag nito at saka marahang uminom sa basong may lamang scotch at yelo.
Malumanay ang tono nito, ngunit ang mga mata nito, puno ng kaseryosohan. Mabalasik, at nagbabadya ng matinding galit.
Nuong una, kinikilig ako Natutuwa ako kapag naririnig ko ito mula sa kanya. For me, it's a declaration of pure love, of great love.
Ngunit sa mga nagdaang araw, buwan na magkasama kami, na magkasintahan. I felt that it was starting to get too much. He is strangling me, figuratively. At nasasakal ako, hindi ako makahinga sa relasyon namin. At ang nakakainis, nagagawa niya ang gusto niya, pero ako, may limitasyon, walang kalayaan.
Napagtanto kong binabago na niya pala ako habang tumatagal. Hindi na na ako si Cheska na malaki ang tiwala sa sarili. Nag-uumpisa na akong pagdududahan ang aking sarili, ang halaga ko.
Only Luciano who can make me feel low, insecure, and unsure of what I really want.
You're mine!
YOU ARE READING
Billionaire's Obsession (Black Omega Psi Series)
RomanceWarning: Contains swearing, mature language. Not suitable for young readers. Excerpt: "I told you to stay away, instead, you kept chasing me. Now that you're in my possession, there's no turning back! You are mine, barbie, and nobody can hav...