Warning: Ang kabanatang ito ay para lamang sa mga taong maluwang ang pang-unawa. Kung ayaw mong mawalan ng kainosentehan, wag na pong magpatuloy. Tamang gabay lang po.
...
Cheska's POV
Lasing na yata ako! Si Luciano na kasi ang tingin ko sa lalakeng ito. Kinuha nito ang champagne na hawak-hawak ko at hindi ko alam kung pang-ilan na, at saka nito tinungga ang laman, at nilagay sa tray ng isang waiter na dumaan sa tabi namin.
Napatawa ako ng marahan. "Let go off me, sir. Baka hindi kita matantya!" inis kong pilit binabawi ang aking kamay pero parang vice itong nakahawak sa akin ng mahigpit.
"You had enough of champagne, I'll drive you home!" sabi nito sa matigas na boses, at kasing boses din ito ni Luciano.
"Oh please, it's a party. That's the reason why I'm here," humagikgik kong sagot rito. "I'm glad hindi mo sinama si Rissy," biglang nawala ang aking ngiti, at saka ko naconfirm, it was him. Medyo hilo na kasi ako, at hindi ko rin napapansin, sumasabay na pala ako sa paglalakad nito, palabas ng mansion. Panay narin ang indak ko habang naglalakad, sumasabay sa musika.
Nang makalabas kami, medyo nangatal ako sa hanging sumalubong sa akin. Napayakap ako sa aking sarili. Hindi maipinta ang mukha ni Luciano.
Asan na ang kasama pala nito? Bakit niya iniwan?
May pumaradang itim na sportscar na kotse sa harap namin, mukhang bagong-bago, at kumikintab pa ito. Bumaba ang valet at binigay ang susi kay Luciano. "Thank you," mahinang sabi ni Luciano at pakaladkad akong hinila pababa sa hagdanan, papunta sa kotse nito.
"What are you doing? Bakit mo iniwan ang kasama mo," sita ko rito, pero hindi ako nagprotesta ng isinakay nito ako sa kotse niya. First time to actually na isinakay ako sa kotse niya.
Walang sagot mula rito na pinaandar ang sasakyan niya. Mukhang galit yata ito, madilim parin ang mukha niya. Lalong para akong nahilo. Sumandal ako sa aking kinauupuan, pilit iniignora ang parang lumulutang kong pakiramdam.
"Why suddenly you care for me?" tanong ko rito ng hindi tumitingin sa kanya.
He didn't answer, kaya't nilingon ko ito. Tutok na tutok ito sa pagmamaneho, pero ang tiim ng titig sa daan. "Nagsawa kanaba sa mga babae mong puro peke?" natatawang pang-aasar ko rito. "Bakit bigla ka yatang nagkaroon ng pakialam sa akin? As far as I remember, you don't like me dahil very shallow ako," nang-iinis kong dagdag, hindi maalis-alis ang ngiti ko sa aking labi, kahit na parang may tumusok sa aking puso sa pang huling sinabi ko.
He slowly turned his head to me. "Will you just shut up!" asik nito, ang mga mata nag-aapoy sa galit.
Ano bang ipinagpuputok ng butse nito?
Ngumiti ako ng matamis na matamis. "I can't, Luciano." Pinaseksi ko pa ang aking tono, para lalo lang itong mabwisit, gustong-gusto ko kasi kapag nagagalit ito eh, mas lalong tumataas ang level ng kaguwapuhan nito. "Lalo pa't umaakto kang strange. Wala kang pakialam sa akin diba? Bakit ngayon?" naiinis kong tanong rito kahit nakatawa ako. I was hoping na may katugon narin sa wakas ang aking pagtingin rito.
He pulled into a driveway in front of a two storey condo I'm not familiar with. Hindi ko alam kung kaninong condo ito. Napipinturaan ito ng puti, at itim sa mga panel nito. Maganda ang condo, mukhang mamahalin.
"Let's get you some water, bago kita ihatid sa inyo. You are drunk!" madiin nitong angil, saka ito bumaba ng kotse at pakaladkad din akong hinila pababa. At wala talaga itong kagentle-gentle sa akin.
Asa pa more, Cheska.
Nainis naman ako sa inaakto nito. Oo nga at mahal na mahal ko ang tipaklong na ito, but dear strangers, mas mahal ko ang aking sarili, lalo at ganito ang trato sa akin. Sabi ko nga, mahalin muna ang sarili bago ang iba.
YOU ARE READING
Billionaire's Obsession (Black Omega Psi Series)
Storie d'amoreWarning: Contains swearing, mature language. Not suitable for young readers. Excerpt: "I told you to stay away, instead, you kept chasing me. Now that you're in my possession, there's no turning back! You are mine, barbie, and nobody can hav...