Cheska's POV
"Akala ko ba ayaw mong magbakasyon sa daddy mo?" nagtatakang tanong ni Laurent on our way home. Nakisakay na ako sa kanya dahil kay Francesco na sumama si Samantha. Mukhang hindi parin nagkakasundo ang dalawa.
Kanina pa mainit ang ulo ni Laurent na ipinagtataka ko.
"Hindi ako magbabakasyon duon sa Australia. Sa tita ko sa California ako pupunta, at duon narin manirahan," paliwanag ko saka nakatitig sa labas ng bintana, at tanging mga silwete lang ng mga gusali ang aking nakikita dahil sa madilim na gabi at tanging mga malamlam na ilaw sa mga poste ang nagbibigay ng liwanag.
"WHAT?!" gulat na nagpreno si Laurent at itinigil sa gilid ng kalsada ang sasakyan nito.
Umikot ang aking mga mata at hinarap siya.
"I'm old, Laurent. After ng graduation, hindi na ako magbar-exam, I'll just fly to Cali and then find a job. Tita Neslie needed a receptionist sa dental office nito. I's perfect! Saka ko na iisipin ang bar exam," I said, feigning excitement, saka ipinaskil ang ngiti sa aking mga labi.
And until I don't feel these crazy feelings for Luciano!
Gusto kong idugtong, but I held it back.
"Cut the crap, Cheska! I know this sudden decision has something to do with Luciano!" galit na angil ni Laurent at huminga ako ng malalim.
Ano nga ba ang ikakaila niya.
Lahat ng tao sa bahay knows me too well.
I've never hid my feelings. Lalo na kay Luciano, hindi ko itinatago ang nararamdaman ko, though I can control my insanely deep affection for him, pero not with other people.
"Fine!" pag-amin ko.
Muling nag-iinit ang aking mga mata at disimuladong iniwas ko ang aking tingin at nakatitig nalang sa labas ng bintana ngunit wala akong nakikita.
That sick bastard!
At idadamay pa ako sa mga kalandian niya! Mga walang hiyang fetishes niya!
Nanggagalaiting napatitig ako sa kawalan habang muling dumaan sa aking isipan ang mga ipiangtapat nito.
Hindi ko narin napansin na nasa daan na muli kami.
"I just need a new environment na hindi ko nakikita si Luciano. Malayo rito. Sa kanya!" wala sa sariling himutok ko.
"However, you don't have to live there for good. Mamimiss ka namin," masuyong sabi ni Laurent, at saka lang ako napatingn sa kanya.
"You'll leave us once you found a wife," umikot ang aking mga mata.
"If Samantha will accept me as her husband, then dito parin kami sa Pilipinas. She loves it here. She spent some of her younger years here."
Napatitig ako kay Laurent. Wala sa sariling napapangiti ito habang nakatitig sa daan. The way he stared ahead with such wistful look, alam kong limot na niyang kasama ako.
Nagdidaydream na ang aking step brother, at napakagat labi nalang ako para hindi humugalpak ng tawa, and interrupt his daydream na alam kong kasama si Samantha.
I've never thought I would witness him in such a state.
Hard and formidable Laurent Piere Canelli, dating naturingang badboy ng Italya during his younger years day dreaming. Rebellious at ilang mga babae daw ang pinaiyak, bata palang ito.
Kung hindi lang daw makapagnyarihan angg lolo Piere nito, baka highschool palang ipinakasal na ito.
Ilang babae na daw ang pumunta sa estate ng mga Canelli, in the middle of hectares and hectares of vineyards, claiming to be pregnant with Laurent's child.
YOU ARE READING
Billionaire's Obsession (Black Omega Psi Series)
RomanceWarning: Contains swearing, mature language. Not suitable for young readers. Excerpt: "I told you to stay away, instead, you kept chasing me. Now that you're in my possession, there's no turning back! You are mine, barbie, and nobody can hav...