Cheska's POV
Pagkatapos ng bangayan nina Dolce at Franco, naunang iginiya ni Luciano si Dolce palapit kay Dante na kanina pa pala naa-amused na nanonod sa pangyayari.
My cheeks flushed with embarrassment.
Pagkatapos mag-usap sina Luciano at si Dante Velasco, nagpaalam agad si Luciano at lumapit sa magulang nitong kasama ang mga magulang namin.
Hindi ko narin napansin na iniwan na kami nina mommmy.
Nang humarap kami kay Dante, nagulat ito ng makita si Franco. At nagtaka ako kung talagang ngayon lang napansin si Franco.
"Francesco!" masayang bati ni Dante, at masuyong binitawan siya ng binata saka niyakap ang matandang host.
Nagtataka ako at kilala siya ni Dante.
Naalala ko ang sinabi ni Laurent na isa ang rason na andito si Franco ay parang dahil sa event na ito.
"Mr. Velasco!" masayang bati naman naman ni Franco. There was that familiarity sa pagbatian ng dalawa, at base narin sa maluwang na mga ngitian nila.
Nang maghiwalay ang dalawa, tinapik-tapik pa ni Dante ang balikat ni Franco.
"Mi è mancato tuo nonno!" I missed your grandpa! masayang saad ni Dante.
"He sent his regards," masayang sagot naman ni Franco.
"Send my regards back. I'll see him when I fly back to Italy," masayang sagot ni Dante.
Masuyong hinapit akong muli sa aking beywang ni Franco, upang mabaling ang atensyon ni Dante sa akin.
"Miss Cheska Silvestre," nakangiting pagbati ng matanda. At nagtaka ako at naalala ako ng matanda. "Well, it seemed that your first visit here is seems promising already," he teased at tumawa si Franco.
Buong-buo ang boses nito at malamig sa pandinig.
Nakakakilig, kung sana marunong kumilala ang aking puso.
""Miss Silvestre is every man's dream, Franco," dagdag pa ng matanda, at kahit nakangiti ang mga mata, parang very cold and intimidating parin ang dating nito.
Kumalat naman ang init sa aking pisngi dahil sa sinabi nito.
Katulad na katulad ng anak nitong si Riccardo ang kilalang negosyante.
Naramdaman ko ang pagtitig ni Franco sa akin at sinalubong ko ang kanyang mga mata. And a small smile broke on my lips.
"Yes, she is!" nakangiting pagsang-ayon nito ngunit hindi inaalis ang titig sa akin. Medyo nailang ako dahil pakiramdam ko, ngayong oras, tila parang nakita niya ako for the first time.
Inalis ko sa aking isip ang aking kakaibang nararamdaman.
At kung bakit iba ang ang pakiramdam ko sa kamay nitong nasa aking beywang. It seemed that it was a little more intimate, kabaligtad ng nararamdaman ko kanina.
Was it because Franco saw me in another light?
No. I must be dreaming.
"Magandang gabi ho, Sir Dante. It was nice meeting you again," nakangiting bati ko para ibahi narin nila ang topic.
I felt like sa akin nakapokus ang limelight ngayong gabi.
"Indeed, hija. My son is here by the way. Finally he decided to socialized," nakatawang biro nito na alam kong may katotohanan.
Riccardo was very private, and seldom sees in this kind of event.
"You don't mind me introducing her to my son, would you, Franco?" nakangising sabi ng matanda. Nangingislap ang pagkatuso sa mga maiitim nitong mga mata.
YOU ARE READING
Billionaire's Obsession (Black Omega Psi Series)
RomanceWarning: Contains swearing, mature language. Not suitable for young readers. Excerpt: "I told you to stay away, instead, you kept chasing me. Now that you're in my possession, there's no turning back! You are mine, barbie, and nobody can hav...