Chapter 10: Douche

14.9K 423 54
                                    

Luciano's POV

Hating-gabi na ng maihatid ko si Cheska. And as the day passes by, mas lalong mahirap para sa akin na mahiwalay rito. Parang may demonyong nagwawala sa aking kalooban tuwing naghihiwalay kami. At iyon ang aking kinatatakutan kaya't iniiwasan ko siya nuon.

Wala sa sariling napahilamos ako at parang talunang bumagsak ang aking ulo at inuntog ng dalawang beses sa manibela.

"Shit!" mahinang mura ko tsaka huminga ako ng malalim at unti-unting tumingin sa harapan ng aming bahay. Kusang tumaas ang aking paningin at nakita kong may ilaw parin sa kwarto ng aking mga magulang.

Tumiim ang aking bagang at kusang gumalaw ang aking kamay at binuksan ang pintuan ng aking sasakyan at lumabas. I feel too exhausted to go back to my condo, and not only that, I want to temporarily forget about her.

Gamit ng aking susi, binuksan ko ang harapang pintuan saka walang ingay na pumasok. Kahit ng isara ko ang pintuan, ingat na ingat akong wag makagawa ng ingay. Ayaw kong makita ang aking mga magulang, ngunit pagdating ko sa hagdanan, narinig ko ang boses ng aking ama, at lasing ito.

"Son," mula sa aking likuran.

"Great!" bulong ko sa hangin.

Unti-unti akong lumingon at nakita kong papalapit ito sa akin at may hawak itong baso na nangangalahati pa ng laman ng alak.

Nagkiskis ang aking mga ngipin sa nakikita kong itsura nito. Nagagalit ako sa kahinaan nito.

Pagmamahal!

Ang siyang sumisira sa pagkatao ng isang tao, ang siyang nagpapahina sa kanila, at dahil sa walang kwentang pagmamahal, hindi na alintana ang pagkawala na ng dignidad nila.

Isa ng patunay ang aking ama.

"Dad," walang buhay kong bati.

Tumaas ang aking kilay ng makita ko itong pilit nitong binabalanse ang kanyang paglalakad. "It's late, you're still drinking?" walang ganang saad ko.

Inignora lang nito ang sarkasmong nakalakip sa aking tono.

"I can't sleep," simpleng sagot nito sabay tingin sa pawisang basong hawak niya. Ibinalik nito ang tingin sa akin saka ako sinabayan papaitaas.

Sikretong pinagmamasdan ko ito. Sa labas ng bahay, akala ng tao, masaya kaming pamilya. Perpekto ang relasyon nila, ultimo ang aking kapatid, wala rin itong kaalam-alam. Kung meron man, patay malisya narin ito.

Six years ago, laging nakangiti ang aking ama, masayahing tao, ngunit ito'y lahat napalitan ng nagkaroon ng bagong driver ang aking ina.

Kung hindi ko pa nahuli ang aking ina, I wouldn't even know kung bakit bigla nalang parang nawalan ng baterya ang aking ama.

Dahil sa pagmamahal, nagbingi-bingihan ito, nagbulag-bulagan. Larang aso itong sunud-sunuran at kung saan pumunta ang aking ina, nakabuntot rin ito.

Dahil sa takot iwanan siya ng aking ina, he had swallowed his pride, forget who he is, and lost his lively life.

"Where is she?" tanong ko rito kapagkuwan.

He sighed softly before he answered in a quiet tone but clear enough to grasp. "She's sleeping..."

Sa itsura nito, alam kong kasama nito ang lalake niya.

Tumigil ako sa pag-akyat at hinarap ito. "Bakit mo hinahayaang tapakan niya pagkalalaki mo dad?" hindi maikakaila ang galit na nakapaloob sa mababa at malamig kong boses.

Billionaire's Obsession (Black Omega Psi Series)Where stories live. Discover now