Chapter 6

111 9 8
                                    

A/N: very short. the YT media is a good song, have a listen.

Francine's POV

"What are you doing here?" Confused na tanong ni Darren saken.

Honestly, Darren, hindi ko din alam e. Pero dito ako nagpahatid sa driver na pinatawag nya kanina after mahatid sina Seth, and Ara sa condo na naiwan nila years ago.

"You're staying here?" Tanong muli ni Darren.

Tumango lang ako. "May vacant room pa ba?"

"Chin, you know how many rooms are there in this estate." Sagot naman saken ni Darren.

Hindi pa din nagbabago ang mokong, pabalang pa din sumagot minsan. Either way, natawa na lang din ako.

"Why are you here?" Darren asked again.

Tumingin ako sakanya for a few seconds. Kita ko on how serious he is with his question. Bakit nga ba dito ako pumunta, at hindi sa condo na kinuha ko? Bakit ako umuwi sa isang lugar na hindi ko alam kung welcome pa ako.

"I can leave." Ito na lang ang naisagot ko kay Darren.

"I'm not telling you to leave, Francine." Sabi naman nya. "I am asking on why are you here?"

"You won't tell me to leave?" Tanong ko bigla.

"I won't." Sagot nya saken agad. "This is your home too."

Dahil sa sagot ni Darren, hindi ko alam kung anong nangyari pero bigla ko syang niyakap. Ramdam ko din ang gulat nya when he went stiff.

"Sorry." Sabi ko as I pull from the very quick, unexpected hug.

"Well, you can stay sa room na pinag-stayan mo dito before." Darren tells me. "All the rooms are clean naman."

"Is Kyle here?" Tanong ko, at medyo natigilan sya.

"Yeah." He nodded. "Kakatulog lang din nya."

"Okay." Tango ko. "Salamat, Darren."

"Welcome." Sagot nya. "Mauna na ako, it's been a long day."

Kyle's POV

Nagising ako dahil nakaramdam ako ng kirot sa mga sugat ko. It's been a long time since I got injured. Kahit pa minor ito, parang hindi na sanay yung katawan ko sa sakit.

Kahit pa medyo masakit ang katawan ako, I decided na papasok pa din ako sa office. It's been a while, and I missed my company. The company that Dad left with me.

Tatayo na sana ako nung biglang mag-ring ang phone ko.

"Yes, Ate Jea?" Sagot ko.

"Good morning to you too, my baby cousin." Bati naman nya. "Are you busy today?"

"Just some work." Sagot ko. "Do you need anything ba?"

"Ah, can you pick me up here sa Okada later?" Tanong nya. "I plan to check out na e."

"Oh, you're staying here sa estate?"

"Yeah." Sagot nya. "Hope that offer is still on the table." She chuckled.

"Oo naman." Sabi ko. "Text me later if I should pick you up na."

After the phone call, I headed out of the room, and bumaba sa kitchen. There I saw something that I thought I will never see.

"You're cooking?"

Napalingon naman saken si Darren na naka-apron pa.

"Wag ka kumain kung ayaw mo." Sagot nya saken.

"Aga aga, ang init ng ulo mo." Asar ko pa.

Tsaka ko lang naalala na wala pa nga pala kaming mga bagong kasambahay. Hindi pa din pala alam nila Nana Cielo, and Nana Sylvia na nakauwi na ako.

"May nag-aantay sayo sa may garden." Sabi ni Darren saken.

"Pre, nakaupo na ako dito oh." Sabi ko. "Bakit ngayon mo lang sinabi? Alam mo namang may mga sugat ---"

"Andami mong reklamong bwisit ka." Putol ni Darren sa pabiro kong reklamo.

Lumapit sya saken, at inalalayan akong tumayo ng dahan dahan.

"Ayan, manahimik ka na, at pumunta ka na sa garden." Sabi nya saken.

Kahit pa confused ako kung sino ang nag-aantay saken sa garden, lumakad na lang ako papunta doon. Kakabahan na ba ako? Sino ba itong nag-aantay saken? Ang aga aga naman ng bisita ko.

Pagdating ko sa garden, I saw a very familiar figure. I saw someone who I was longing for, someone na lagi kong hinahanap for the past few years.

She is walking gracefully in the garden along with the flowers. She looks like a literal angel na naglalakad dito sa lupa. Her skin is glowing, and her hair is flowing lightly dahil medyo mahangin.

She is wearing a white dress na sobrang bagay sakanya. Nasa langit na ba ako? Namatay ba ako sa incident namin ni Kuya Joshua kagabi?

Parang wedding dress ang damit nya. Ikakasal na ba ako? Ikakasal na ba sya saken? Basta, ang ganda ganda ng anghel na nakikita ko ngayon.

 Ikakasal na ba ako? Ikakasal na ba sya saken? Basta, ang ganda ganda ng anghel na nakikita ko ngayon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

A/N: kunware ganito damit nya tapos nasa garden hehe

I can feel my heart going crazy, lalo pa nung magtama na ang mga mata namin. When she smiled, that's when I panicked.

So.. I ran back to the house..

"Darren!"

Agad naman napalingon si Darren saken, na may hawak pang kawali.

"Oh, baket?" Tanong nya saken.

"Si Chin.." Sagot ko. "Si Chin, nasa garden! Nakita ko sya!"

"Oo nga?" Unsure na sagot ni Darren. "E bakit andito ka?"

This time, I felt flustered. Grabe yung magic nya saken, ang tindi pa din. Kaya pa din nyang pabilisin ang tibok ng puso ko.

"Kinikilig kase ako e."

-----

Ang cute mo Kyle pls. Sinong mag-aakala na mafia-ish ka sa book 1 naten haha! Darren, sana okay ka pa sa kwento naten.

Please send in your comments/thoughts. Vote if you liked the chapter.

--- excuse all typos and errors ---

See u next! :)

x

Bawat Daan || KyCine storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon