Francine's POV
I woke up kinda late dahil hindi ako pinatulog ng isipan ko kagabi. Iba pala pag yung iniisip mong mangyayari noon, ay nangyayari na ngayon. Yung mga what ifs noon, andito na, nangyayari na sa harapan ko. Mahirap pala.
Napaisip ako, naghilom na nga ba talaga ang sakit ng nakaraan, or pinilit lang namin na ibaon sa limot? Pinilit ibaon sa limot para makapagpatuloy, at masabi na nagpatuloy kami.
Seth told me last night to talk to Kyle. Ayun naman din talaga ang plano ko, pero hindi ko alam kung handa ba kaming pareho na mag-usap.
Alam ko sa sarili ko na handa ako, I am hoping that he is too. Kasi gusto ko, gusto kong bumalik sakanya, gusto kong mahalin sya ulit.
Sa loob ng mga taon na hindi ko sya kasama, wala akong ibang dinasal kung hindi ang sana makabangon sya, makawala sa sakit ng nakaraan nya, na maghilom ang sugat sa puso nya.
Kyle, he is someone na kamahal-mahal. He deserves the whole world, all the good love that he is given. Pagmamahal mula sa mga kaibigan nya, mula saming lahat.
Ngayon na andito na kami, alam ko naman na pareho pa kaming hindi sigurado on where we stand. Kung nasan kami sa punto na ito.
I am willing to meet you halfway mahal, willing ako pumunta kung nasan ka.
With all these thoughts, bumangon ako sa kama ko para maligo, at simulan ang araw ko. Seth, and I decided to get our own cars today since dito naman na kami mag-stay sa Manila for good. Alam ko naman na malapit lang sakin ang hospital na pagta-trabahuhan ko, pero good idea na din na I have my own car.
May nakausap naman na si Seth na dealer, so madali na lang ang naging process namin.
After that, dumerecho na din kami sa malapit na mall for lunch. We are waiting for our food nung biglang magtanong si Seth.
"Sila sila pa din ba ang nasa estate?"
"Siguro?" Unsure kong sagot. "Si Darren lang kasi naabutan ko nung nakaraan e."
"Dumalaw kaya tayo doon?"
"Pwede naman siguro." Sagot ko. "Pero sabihan muna na natin sila?"
"Ako na tatawag kay Espanto." Seth says.
"Pa, where are we going?" Tanong naman ni Ara.
"You're going to meet your other Tito Ninongs, and Tita Ninangs." Seth smiled at his daughter.
"Are you excited?" Tanong ko naman kay Ara.
"I'm shy, Tita Ninang!" She pouted.
"Don't worry, anak, you will love them." Seth assured Ara.
I'm sure that they will love you too, Ara. Tinignan ko pang sandali si Ara, then my mind wandered on the thought na, what if andito ka anak? Siguro pareho kayo ni Ate Ara mo na mahiyain? Siguro.. andaming siguro pagdating sayo, anak.
Our food finally came in, and tahimik naman kaming kumain. The thought of going to estate to see everyone.. kinakabahan ako. Though alam ko naman na tatanggapin nila ako, kami kahit pa umalis kami.
At the same time, excited na din akong makita sila ulit. Sila na mga naging kaibigan, at sandalan ko din.
"We can go by dinner daw sabi ni Darren." Seth says. "Sya na daw magluluto."
A/N: Darren naten all around na hahaha
Tumango na lang ako. Siguro magandang pagkakataon na din ito para muli kaming mag-usap ng masinsinan ni Kyle. Kung ano na ba, kung saan na kami.
BINABASA MO ANG
Bawat Daan || KyCine story
FanfictionBook 2 of My Angel Baby. Inspired by the song Bawat Daan by Ebe Dancel, and Zephanie. Posted: January 22, 2023 Started: End: PS book cover will be updated once we start with the story.