Chapter 7

124 10 17
                                    

Darren's POV

Hindi ko alam kung bakit sinasaltik nanaman tong si Echarri. Gusto ko sana syang hampasin ng hawak kong kawali para magising, at bumalik yung angas nya.

Payag ka non, Kyle? Nawawala angas mo dahil kay Francine? Well, natawa na lang din ako. Kita ko nga na kinikilig ang gago. Who would've thought na makikita ko syang ganito? Well, not me. Alam kong head over heels sya kay Francine kahit dati pa, hindi lang ako aware na parang mas lumala ata ngayon.

Hay, pagmamahal nga naman. Pero, masaya ako kasi ibang Kyle na ang kaharap ko. Kita ko na ang emosyon sa mga mata nya, unlike before na sobrang lamig, sobrang emotionless.

"Bumalik ka don sa garden, at kausapin mo sya." Sabi ko.

"Tangina naman, Espanto." Sabi nya saken as he run his hand sa buhok nya. "Bakit naman nambibigla kasi?"

"Tangina mo din." Sagot ko. "Puntahan mo na, pag yan nilayasan ka nanaman ---"

"Eto na nga!"

With that, tumalikod na si Kyle, and naglakad. Napailing na lang ako.

Tinuloy ko ang pagluluto ng breakfast namin, pati na din yung dadalahin kong pagkain. Sa ngayon, inaantay ko lang si Kyle na pabalikin sina Nana Cielo, at Nana Sylvia dito sa estate. Wala akong plano na ipagluto sila araw-araw.

Hindi ko na sila inantay dito sa kitchen. I placed the cooked foods dito sa island, at dinala yung ibang pagkain na niluto ko.

I headed out of the estate, and pumunta ako sa isang park. Umupo ako sa bench, at nag-antay.

"Darren!"

Napalingon ako, at kumaway naman si Jayda saken. I raised my hand para alam nyang I acknowledged na andito na sya.

Lumapit sya at umupo sa tabi ko.

"Good morning!" Masaya nyang bati saken.

Her voice is something unfamiliar for me. But I'd love it to be familiar.

"Wala ba kayong kasambahay, at ako pa ang pinagluto mo?" Masungit kong tanong.

"Ang sungit mo naman, Ren!" She pouted.

Bakit ang cute mo, Jayda? Shit, shit. Darren, umayos ka. With that, I mentally slapped myself. Hindi pwede mawala angas ko dahil lang crush kita, Jayda.

Inabot ko sakanya ang lunch box, at tinanggap naman nya ito na may ngiti sa mga labi nya.

"Thank you!" She beamed.

Nilapag nya sa thigh nya ang lunch box, then she opened her bag, at naglabas din sya ng another lunch box.

"For you." Abot nya saken na medyo kinagulat ko.

"What's that?" Tingin ko sa hawak nyang lunch box.

"I cooked it for you." She smiled.

"Marunong ka naman pala magluto." Sabi ko. "Bakit nagpaluto ka pa saken?"

"Mokong ka talaga." Tawa nya, kaya naman napakunot ako ng noo.

Ano bang pinagsasabi nito? Crush kita pero hindi ko alam na baliw ka na pala.

"Hindi mo na ba maalala?" Tanong nya.

"Maalala ang alin?" Tanong ko pabalik.

"When we were kids, before I left, sabi ko I will cook something for you pagbalik ko." Sagot nya. "Then sabi mo na why don't we exchange lunch boxes?"

Honestly, hindi ko na maalala. Maybe kase pag-alis mo, sinabak na ako ni Daddy sa magulong mundo. Kaya yung childhood memories ko ay puro training na. How to shoot, how to fight, how to kill.

Bawat Daan || KyCine storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon