Chapter 9

154 10 3
                                        

A/N: this will be a bit heavy, and will include flashbacks.. so, brace yourselves I guess?

Francine's POV

Kakaakyat ko lang sa unit ko matapos akong ihatid ni Kyle. Nakaalis na din sya since he needs to be in Echarri Techs.

Kanina.. hindi ko akalain na makikita ko ulit ang mga mata nya sa ganung expression. Yung lungkot, yung takot. My heart broke at the thought na kahit pala isipin namin na okay na kami, ay hindi pa din talaga. Hindi pa in a sense na may trauma pa din.

Sinigurado ko sakanya na hindi na ako mawawala ulit sakanya. Niyakap ko sya ng mahigpit kanina, gusto ko kase na sana maramdaman nya na totoo yung sincerity ng sagot ko.

Hindi na kita ulit iiwan, mahal.

Kahit pa mutual ang decision namin years ago, alam mo naman na hindi nabawasan ang sakit non. Reaching a mutual decision doesn't mean it won't hurt anymore.

Alam ko naman sa sarili ko na may takot pa din minsan. Pero ngayon, gusto kong mas maging matapang para samin. Si Kyle ang naging matapang samin noon, susubukan ko na ako naman ang maging matapang ngayon. Susubukan ko na sabayan ang tapang nya.

I know that Kyle is a strong person, a really strong one. Kase if not, then he wouldn't be here. Baka nga hindi din kami nagkakilala.

I decided na pumunta sa unit nila Seth, para na din to check on them. Unenrolled pa din si Ara, and Seth is still looking a school for her. Gusto nya kasi na malapit lang sana, pero ang gusto naman ni Ara ay yung medyo malayo.

Ara opened the door after a few knocks. Pagpasok ko sa unit nila, kita ko na nag-aayos pa din sila ng mga gamit.

"Uy, andyan ka na pala, pards." Bati ni Seth nung nakita nya ako.

"Kakadating ko lang." Sagot ko naman. "You need help?"

"Oo sana, pards." Tango nya before picking up another box from the floor. "Kanina pa din kasi kami dito."

With that, tumulong ako sakanila para mabilis na din matapos. After ng almost 2 hours ay natapos na din kami. Sakto lang din na lunch time na.

"Let's order muna since wala pang grocery." Sabi ni Seth. "Ara, list na what you want for our grocery shopping later."

"Okay, Pa." Tango naman ni Ara bago pumasok sa room nya.

When the door closed, tumingin naman saken si Seth.

"Oh, kamusta sya?" Seth asked.

It took me a while bago sumagot.

"He seems okay." Sagot ko.

"You sound unsure, Chin." Sabi naman ni Seth saken.

Then, kinuwento ko kay Seth yung nangyari kanina bago umalis si Kyle. Nakita ko din na lumungkot ang expression, and mga mata nya.

"Chin, alam mo naman kung ilang beses nawalan si Kyle, diba?" Sabi ni Seth, at tumango naman ako.

Tumahimik ang paligid habang nakatingin lang sakin si Seth. Hindi ko alam kung awa ba ang tingin, or what.

"You wanna talk about it?" Seth asked.

Kung tutuusin, alam naman ni Seth lahat ng pinagdaanan ko mula nung umalis kami ng Pilipinas. Sya ang naging sandalan ko sa mga panahon na iyon.

Flashback (walang maayos na timeline ito ha, just a general one. still in Francine's POV)

Andito nanaman ako sa warehouse. Tila ba walang katapusan ang paikot ikot, tila ba walang daan para malakabas ako dito. I've been running, and circling this area to no avail. Pakiramdam ko ay mauubos na ang hangin, at lakas ko dito.

Pumasok ako sa isang pinto, at doon bumungad saken ang mg dead bodies. Sila Kyle, Andrea, Darren, Mavy, at Akira. Halos hindi ako makahinga dahil sa takot.

Puno ng dugo ang paligid, may mga dugo din sila dahil sa tama ng mga bala. I felt my breath hitched nung maramdaman kong tinamaan din ako ng baril.. same exact where I was shot before.. Yung naging dahilan kung bakit nawalan ako ng anak.

Napabalikwas ako sa kama, at nagising. I am catching for my breath, ramdam ko din ang malamig na pawis. Another nightmare.. hindi na natapos ang ganitong panaginip ko. Minsan nga ay ayaw ko na lang din matulog.

Alam ko naman na hindi agad mawawala ang sakit kahit pa umalis ako ng Pilipinas. Bat nga ba ako humawak sa isang pag-asa na mabilis itong mawawala?

Naluha na lang ako ulit. Ang hirap makalimutan ng lahat.

Walang araw na hindi ko iniisip ang anak namin, ang sakit sakit na kinuha sya samin agad. Hindi ko mahanap kung anong dahilan.. siguro alam ko pero hindi ko matanggap.

Wala ring araw hindi ko sya inisip, sya na una kong minahal. Hoping na sana ay nasa maayos sya, na sana he is taking time for himself to heal. Alam ko naman na hindi madali lahat ng pinagdaanan nya, pero umaasa ako na sana, pag kaya pa, pag pwede pa.. sana sya pa din ang mahalin ko hanggang dulo.

Hindi ko alam kung kelan ako makakabangon, kung kelan ko kakayanin na humarap ulit sa mundo na minsan kong isinumpa dahil sa mga nangyari.

Next month pa naman ang start ko sa Starship Children's Hospital since may mga papeles pa akong inaayos, and Seth is helping me dahil may mga kakilala sya.

Dito ko na-realize na pwede ko ulit simulan ang pangarap ko na hindi ko nagawa sa Pilipinas. Pangarap ko talaga ang maging doctor, specialization? Hindi ko pa alam, basta ang gusto ko ay maging doctor.

A few days bago ako magsimula sa bago kong trabaho, I asked the management if they can offer help na makapag-aral ako ng medicine. Luckily, they offered me help to reach my dream of being a doctor.

I got so busy. Hanggang sa pakiramdam ko unti-unting nawala yung bigat sa puso ko. I was able to reach my dreams slowly, naging doctor ako, naging Pediatrician ako sa hospital na tumangganp saken. With that, I felt so proud of myself.

I was able to make it.

Habang nagiging mas mabuti ako, dinadasal ko na sana sya din. Sana nagagawa na nya ang mga hindi nya nagawa noon dahil nakulong sya sa galit.

Hindi ko alam kung kelan nagsimula, kung papano ko naramdaman.. pero gumising na lang ako isang araw na handa na akong lumaban ulit kung sakaling magtagpo kami.

End of Flashback

Hindi ko na namalayan na lumuluha na pala ako habang inaalala ang 7 years na lumipas. Yung 7 years na nagpabago sa buhay naming lahat.

"I understand your pain, Chin." Sabi ni Seth. "Pati yung kay Kyle. Normal na may takot pa din."

Pinunasan ko ang mga luha ko. Alam kong tama si Seth, maski ako may takot pa din. Siguro masyado ko lang kinapitan yung enthusiasm na handa na ako. Hindi ako naging handa sa thought na, pano pag nagkita na kaming muli? Kasi andito na kami pareho, pero parang may harang pa din dahil sa takot.

Gusto kong isipin na sapat na ang pagmamahal ngayon, gusto kong kapitan ang idea na iyon. Pero, yun ba ang tama?

"Chin, take it easy." Sabi muli ni Seth. "Hindi nyo kelangan magmadali dahil lang may naudlot kayong nakaraan."

"Seth, natatakot ako." 

San nga ba kami nakatayo ngayon sa buhay ng isa't isa? Gano kami kalapit? Gano kami kalayo?

The last time that my heart ached like this is nung tinalikuran ko sya noon.

-----

We all know how fear can affect one's life. Kayo ba? Tingin nyo ba sapat na ang pagmamahalan nila ngayon? Sino ang unang lalaban? Sino ang unang magpapakawala ng takot?

Send in your thoughts. Vote if you liked the chapter :)

--- excuse all typos and errors ---

See ya next!

x

Bawat Daan || KyCine storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon