Darren's POV
Kakatapos lang ng isang meeting kaya tumambay muna kami ni Kyle dito sa office ko. Hindi ko alam kung anong nangyari, pero pagdating nya dito e hindi ko ma-ipinta ang mukha nya. He looks distracted, and stressed. Halos wala nga syang focus kanina sa meeting.
"Ano bang problema, Echarri?" I finally asked.
Napatingin naman sya sakin.
"Kanina pa hindi ma-ipinta yang mukha mo." I added. "Not that I wanna paint you, but what the fuck is wrong?"
Hindi pa din sya sumagot. He just stared at me like a deer in the headlights.
"May problema ka ba?" Tanong ko ulit.
"Da, hindi ko alam." Kyle sighed.
"Hindi mo alam ang alin?"
"Bakit ba ang dami mong tanong, Espanto?"
"Echarri, kaibigan mo ako." Sagot ako, I saw how Kyle's face softened. "Mas nag-aalala ako pag ganyan ka kesa pag nababaril, or napapahamak ka."
"Pakahayup mo." Natatawang sagot naman ni Kyle saken.
"Si Chin ba?"
With this question, bigla nanamang nagbago ang expression ni Kyle. Para bang I mentioned a name na hindi dapat.
"Sorry." Sabi ko.
Kyle just took a deep breath bago muling sumandal sa couch.
"Para kasing may mali, Darren." Sabi nya saken habang nakatitig lang sya sa kisame ng office ko. "Hindi ko alam kung ano, pero may mali talaga."
"Kyle, 7 years was long." Sabi ko. "Kung sino, at ano tayo noon, iba na ngayon. Hindi man totally iba, you can't deny na may mga nagbago."
"Pakiramdam ko napakalayo nya sakin." Kyle says. "Para bang.. para bang ---"
"Darren!"
Agad naman kami napalingon ni Kyle sa office door ko na bukas na ngayon.
"Jayda?" Nagkasabay naming banggit ni Kyle.
Napatingin bigla si Jayda kay Kyle na nasa couch.
"Kyle!" She squealed.
Nilapit nya si Kyle at bumeso dito. Kita ko naman na medyo nagulat si Kyle, pero ningitian na lang nya si Jayda.
"What brings you here?" Tanong ko, a bit confused, and surprised.
"May lakad ba kayo?" Biglang tanong naman ni Kyle.
Sasagot na sana ako when my office door opened for the second time.
"Darren, my cousin!" Bungad ni Kuya Joshua.
Napatingin kaming lahat sakanya.
"Kuya, why are you here?" I kinda glared at him.
"Aren't we a little crowded now?" Comment naman ni Kyle.
"You." Tingin ko kay Kuya Joshua. "Get out of my office."
"Sungit mo naman." Sagot naman nya saken.
"Jayda." Tingin ko sakanya. "What do you need?"
"You promised me lunch today." Sagot ni Jayda saken.
Natigilan naman ako, at nakita ko din na napatingin sina Kyle, at Kuya Joshua saken. At this point, gusto ko na lang magpalamon sa lupa.
Bakit ba kasi nandito yung dalawang kupal sa opisina ko?
"Kuya Josh, wanna grab lunch with me?" Biglang aya ni Kyle kay Kuya Joshua na agad naman napatingin sakanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/332555916-288-k337527.jpg)
BINABASA MO ANG
Bawat Daan || KyCine story
FanfictionBook 2 of My Angel Baby. Inspired by the song Bawat Daan by Ebe Dancel, and Zephanie. Posted: January 22, 2023 Started: End: PS book cover will be updated once we start with the story.