A/N: this will be in Francine's POV
7 years..
Ganun na pala katagal mula nung iwan ko ang Pilipinas, at nagbagong simula dito sa New Zealand.
When I first arrived here in New Zealand, I was so broken hearted. Nauna ako dito bago sumunod after a month sina Seth, and Ara para samahan ako.
When I got here, natulungan ako ni Seth na humanap agad ng apartment since may mga kakilala sya dito dahil sa dark ventures nila. Kaya naman ilang araw lang ako nag-hotel bago nakalipat sa apartment na malapit sa hospital.
A/N: sorry wala ako mahanap na photo for visual ng apartment hehe
Tinanggap ko ang trabaho na muling inoffer saken ng Starship Children's Hospital. After non, nag-aral ako ng medicine, at Pediatrics ang kinuha kong specialization. Kung bakit, hindi ko don alam, pero yun ang napusuan ko.
I had a hard time sleeping when I first got here. Bawat pagpikit ko ng mga mata ko, nakikita ko kung papano bumagsak ang mga katawan na natamaan ng baril. Nakikita ko kung paanong nahulog si Andrea mula sa rooftop ng warehouse.
Mahirap yung naging decision namin ni Kyle, pero we both know na it's for the best. Alam ko na he needs to work on with his personal issues, as I work with mine as well. Parehong masakit ang pinag-daanan namin, pero si Kyle.. he's been through a lot.
Walang oras, or araw na hindi ko sya naaalala. Praying na sana ay maayos ang lagay nya, at unti-unti na din syang naghe-heal.
Pero dumaan ang panahon, at nagsimula akong magfocus sa sarili ko, sa kung papano ako magpapagaling sa mga sugat ng puso ko.
Working at Starship Children's Hospital, pakiramdam ko nahanap ko ang bago kong tahanan. Masaya ako pag andito ako, magaan yung pakiramdam ko. I feel so much hope radiated by the kids confined in here.
Minsan mabigat sa puso dahil marami sakanila ang nahihirapan dahil sa sakit nila. Pero minsan magaan kase nakikita ko ang mga ngiti nila habang lumalaban sa sakit. Nakikita ko kung papano kuminang ang mga mata nila kahit pa may sakit sila.
Sa lahat ng masasakit na nangyari sa nakaraan, isa doon ang hirap akong makalimutan..
7 years old ka na siguro ngayon, anak.. ano kayang ugali mo? Sino kaya samin ng Daddy mo ang kamukha mo?
Sya ang isang alaala na hindi mawawala sa puso ko. Minsan iniisip ko pa din kung bakit ka biglang binawi samin ng Panginoon. Dahil ba magulo ang mundo ng Daddy mo noon? Dahil ba may mga taong gustong manakit satin?
Masakit sya noon, pero ngayon, tanggap ko na. Lahat naman may dahilan, sino ako para i-question ang kagustuhan ng Panginoon, diba?
Inilagi ang urn ng anak namin ni Kyle sa family mausoleum nila. Bago kami tuluyang maghiwalay ng landas ni Kyle, we held a private burial for our child. Mainit pa kasi ang balita non about sa nangyari kina Akira, and ang itinuturo noon ay ang team ni Kyle. Thankfully, nagawan naman ng paraan ni Tito Lyndon na mawala sa prime suspects ang team nila.
Ang naging buhay ko dito sa New Zealand is something that I consider as a new start of everything. Sinarado ko ang isang chapter ng buhay ko, hoping to start a new one na wala na ang sakit.
Ngayon, pag-uwi ko sa Pilipinas, nag-apply ako sa National Children's Hospital. Panibagong simula sa pagbabalik ko.
Handa na ako, sana ikaw din.
-----
This is a short intro for Francine. Sana nakuha nyo yung gist kung ano na sya ngayon. We will unfold more in the next chapters naman :)
I know medyo confusing ngayon, pero it will all make sense soon. Kapit lang!
Please send in your thoughts/comments, and vote if you liked it.
--- excuse all typos and errors ---
See u next! :)
x
![](https://img.wattpad.com/cover/332555916-288-k337527.jpg)
BINABASA MO ANG
Bawat Daan || KyCine story
FanficBook 2 of My Angel Baby. Inspired by the song Bawat Daan by Ebe Dancel, and Zephanie. Posted: January 22, 2023 Started: End: PS book cover will be updated once we start with the story.