Chapter 8:

1 0 0
                                    

King's POV

"Gandang babae nung Abi noh?" Tanong ni ralph

"Mas trip ko yung Queen" nagsmirk ako

"Aba, teka, eto nanaman tayo ah. Mukhang may pupormahan ka nanaman ba? Hindi na matapos tapos ang laro mo at lagi kang nagpapaiyak. Tapos pakikiligin mo kaya sobrang bihira ng babaeng naiinis sayo" tiningnan ko siya

"Silang may gusto niyan" sabi ko sakanya

"Sabagay. Anong plano mo sakanya? Tiningnan niya ako.

Nginitian ko lang siya.

"Alam ko yang mga ngiting yan." Sabi ni ralph

Napahinga siya ng malalim.

"Iba ka boy! Parang lahat ng babae sa university na to eh gusto ka hahaha"

"Gwapo eh" sabi ko

"Yun oh!"

**

Nakalimutan na nilang lahat na may stephanie froster. Ha ha matagal tagal na rin yon pero eto ako ngayon, Miserable sa mga pangyayari noon.

Ayos ba? Pwede na bang rapper? Yeah!

Pero nakakagago ang mga babae. Hahah dapat lang talagang pinaglalaruan sila.

Hindi na mauulit ang mga nangyari noon. Hindi na.

Wala akong kasalanan sa pagkawala ni steph. Wala talaga akong kasalanan.

Yang mga babaeng yan? Paggulo lang yan eh. Minsan kailangan, pero madalas laruan.

At etong mga babaeng naging girlfriend ko, tumatagal ng 1 week minsan 1 month, pero grabe kung makaiyak. Kala mo naman nag 10 years kami.

Wala narin namang pakealam ang mga barkada ko dahil sanay na silang kada oras may bagong girlfriend ako.

Kaya hindi na nila binibigyan ng atensyon. Kilalang heart throb breaker ako dito. Ang korni ng title nila tsk. Dapat King the handsome boy eh. Mas astig diba?

Alam naman pala ng mga babaeng yan na pinaglalaruan ko lang sila, eh bakit parang sayang saya pa silang nakikipaglaro?

Nakakagago. Hahahha

Basta ako, masaya talagang pinaglalaruan sila.

Merong mga babaeng ex ko na nga, nakikipag landi pa sakin. Tsk.

Meron ding mga babaeng araw araw nilalandi ako. Hahahah edi makipaglandian. Laro ko naman to eh.

May mga naiinis sakin pero sobrang bihira. Sobrang konti. Mas marami parin ang mga nagmamahal. Yeah baby!

**

"Gusto ko ng DanKin Donuts" rinig kong sabi ni pika habang papalapit ako sakanila.

"Hoy! King! Kingina mo! Anlaki ng kasalanan mo sakin!" Sigaw ni pika

"Ulol! Past is past!" Sigaw ko

"Aba! Hoy!! Matitikman mo ang batas ng isang api!!" Sigaw nanaman ni pika

"Subukan mo!! Subukan mo!! Hindi kita uurungan!!" Sigaw ko ulit

"Mga tarantado! Magkaharap na nga kayo nagsisigawan pa kayo!" Sigaw ni pipty shades

Tiningnan namin siya ng masama

"Bakit ka sumisigaw?! Mukha ba kaming binge??" Tanong ni pika

"Mga gago!!" Sigaw ni pipty shades

"Asan si dandandandalandanilo?" Tanong ko

"Nasa puso nating lahat" sabi ni christian black

"Yayaman tayo!! Yayaman ako!! Nako nako pasimuno nito si danilo ford eh. Idol niya kasi si Nathaniel. Inspiration kumbaga" sabi ni pika

Our Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon