Disclaimer: This story is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
This book is not affiliated with the portrayers' (Enhypen) personal life.
Warning:
This book contains grammatical errors, profanity, and scenes that are not suitable for the young audience.
(Read at your own risks!)
____________________________________________________________________
Case de Alfonso
My eyes directly darted to him. Hindi alam ang gagawin, pilit hinahanap ng mga mata ko si Lola Elvina. Para akong nangangatog sa paraan ng paninitig niya.
"Magandang umaga, hija! May hinahanap ka ba?" Bungad ng isang matanda na nasisiguro kong taga pagsilbi dito dahil sa kanyang suot na damit.
Hindi ko man lang namalayan ang pagdating niya dahil sa paninitig ng estrangherong lalaki sa'kin mula sa ikalawang palapag. Balisa man ay nagawa ko pa ring bigyan ng maliit na ngiti ang matandang tagapagsilbi.
"Magandang umaga, po," nahihiyang pagbati ko, gamit ang mahinhin na boses. "Ako nga po pala si Cia, hinahanap ko po si Lola Elvina."
Napatingin ulit ako sa taas pero wala na ang estrangherong lalaki doon.
Pumalakpak ang matanda sa harapan ko kung kaya't na baling ang atensiyon ko sakanya. Ngumiti ito. "Ikaw pala ang apo ni Senyora Victoria! Ang laki mo na, hija! Huling kita ko sa'yo sipunin kapa ngayon nagdadalaga na!" Nagagalak na ulat ng matanda. Nahihiyang ngumiti lang ako sa sinabi niya. Batang sipunin? "Halika, hija! Ihahatid kita sa opisina ni Senyora Elvina, baka naghihintay na 'yon sa pagdating mo."
Tanging pagtango lang ang naisagot ko at sinundan siya papunta sa opisina ni Lola Elvina. Nahihiya akong itanong ang pangalan ng matanda kaya hindi ko alam ang itatawag sakanya.
Umakyat kami sa ikalawang palapag ng mansyon, sobrang laking mansyon. Hindi ko inaakala na sobrang yaman pala ni Lola Elvina. Hindi maitatago sa mukha ko ang paghanga habang sinusuri ang bawat sulok ng mansyon. Ano kaya ang pakiramdam na tumira sa ganitong klaseng bahay?
Bago kami pumasok kumatok ng tatlong beses ang matandang tagapagsilbi bago binuksan ang malaking pintong kulay green at may nakaukit na dalawang letra E at A na kulay ginto.
Pagkapasok namin nakita ko si Lola Elvina na naka-upo sa gitna ng malawak na lamesa na puno ng papeles at may binasa siyang papel, umangat ang ulo niya para tignan kung sino ang pumasok. Nakita ko ang pag-aliwalas ng kaniyang mukha ng makita ako.
Matamis akong ngumiti sakanya. "Hello, po, Lola Elvina!" maligayang bati ko.
si Lola sa inuupuan niya at madaling naglakad papunta sa'kin. "Cia, hija! Mabuti't napadalaw ka!" Masuyo niya akong hinagkan kung kaya't pinulupot ko rin ang maliliit na mga braso ko sa bewang niya. Kumalas si Lola sa'kin at binalingan ang matanda na nasa likuran namin. "Corie, kuhanan mo ng makakain si Cia," utos nito sa matanda na ngayon ay alam ko na ang pangalan, si Lola Corie.
"Masusunod, Senyora," magalang na sabat nito at nginitian ako bago umalis.
"Halika, hija, maupo ka dito."
YOU ARE READING
✓ CHASING MIDNIGHT | NISHIMURA RIKI FF
FanfictionNox Atieno Alfonso [EN - SERIES 1] A spark of attraction was felt by a 21-year-old man, Nox Atieno, toward a 15-year-old girl named, Ciaran Maeves. He was hesitant to pursue anything because of the age difference. However, Ciaran seemed to reciproca...