College
Monday, Kinaumagahan.
Nakabihis ako ngayon dahil magta-take kami ng entrance exams ni Esmee sa different Universities. She'll take BSN din, hindi ko alam na interesado pala siya sa medical field, akala ko Architecture ang kukunin niya kurso sa kolehiyo.
Una tinanong ko siya kung kukuha ba siya ng Nursing dahil sa'kin pero sabi niya hindi. Gusto daw niya ang Nursing and she's very interested to take the adventurous course. Well, matalino naman siya kaya alam kong kayang kaya niya ang Nursing. Plus, Slater is a Psychology student, graduating. Kaya siguro nagkainterest si Esmee sa Medical Field.
Ang sabi ni Esmee sa'kin tumigil na sila sa pag-uusap ni Slater, iyak ng iyak siya sa'kin noon. Sabi niya mahal na daw niya si Slater at nakikita niyang nahihirapan si Slater sa pagbabalance sa acads at sakanya kaya siya ang nag-ghost kay Slater.
I understand her reasons kung bakit niya nagawa 'yun, maybe she feels like a burden to Slater, but the only wrong is hindi niya kinausap si Slater. They lack communication. Hindi ko lang alam sakanila. I cannot judge them kasi sila ang nasa mutual relationship. Let's just see kung sila talaga sa future. I still hope na sila talaga.
Good thing hindi kami umabot ni Nox ng ganoon. Baka ikamatay ko.
"Anak! Nasa baba na si Esmee!" rinig kong sigaw ni Mommy kaya binilisan ko ang pagtali ng sapatos ko.
Pagkababa ko nakita ko si Esmee na naglalambing kay Lola V. Nakayakap siya kay Lola at nag-uusap silang dalawa. Tinalo pa niya ako!
"O, ayan na pala ang maganda kong apo!" puri ni Lola ng makita akong pababa ng hagdan. Nakita ko ding nakatingin sa'kin si Tito Zach habang sumisimsim ng kape at nagbabasa ng diyaryo.
"Magandang umaga, Tito," bati ko sakanya at sinuklian niya ako ng ngiti.
"Good morning, Ciaran."
Lumapit ako kay Lola at humalik sa pisnge niya. "Magandang umaga sa maganda kong lola!" giliw na bati ko kay Lola na nagpatawa sakanya.
"Nako! Alam ko namang maganda ako, apo! Saan ka pa ba magmamana kung hindi sa'kin." Si Lola Victoria.
"Tama ka diyan, Lola V!" sakay ni Esmee kay Lola.
"Sa'kin niya namana 'yan, Mama," sagot ni Mommy ng makabalik siya galing sa kusina, may bitbit siya na tray ng almusal para sa'min ni Esmee.
"Sa'kin mo namana ang mukhang 'yan, Ciandra! Kaya ako ang simula ng lahat!" hindi magpapatalo si Lola.
"Oo nalang, La," sabi ko para manahimik na siya.
Nakangiting tagumpay naman siya at kinagat ang apple na parang hindi niya naman nakakagat kasi isip sa daliri nalang ang ngipin niya.
"Akin na nga 'yan, Lola." Kinuha ko sakanya ang apple niya at hiniwa 'yun para mas mabilis niyang makain at hindi siya mahirapan.
"Maraming salamat, apo! Ang mama mo kasi binigyan nga ako buo naman! Akala niya siguro kompleto pa ipin ko!" pagrereklamo niya.
Tumawa kami ni Esmee at kumain na ng meryenda. Pagkatapos ay umalis na kami papunta sa first choice namin which is sa Decelis University kung saan nag-aaral si Slater. Tinanong ko kay Esmee kung okay lang ba sakanya pero tinawanan niya lang ako at sinabing Oo naman! Bakit hindi?
But I know her better. Alam kong nasasaktan pa din siya kahit isang taon na silang hindi nag-uusap. Balita ko din may nililigawan daw si Slater. Alam ni Esmee 'yun pero hindi siya nagpapakita ng emotion maliban sa saya... I know she's just faking it. She's trying to conceal her real feelings.
YOU ARE READING
✓ CHASING MIDNIGHT | NISHIMURA RIKI FF
FanfictionNox Atieno Alfonso [EN - SERIES 1] A spark of attraction was felt by a 21-year-old man, Nox Atieno, toward a 15-year-old girl named, Ciaran Maeves. He was hesitant to pursue anything because of the age difference. However, Ciaran seemed to reciproca...