Bracelet
"Aldus! Sorry! Kanina ka pa ba?" hinihingal na bungad ko kay Aldus, nakaupo siya sa swing at nakayuko mukhang malalim ang iniisip.
Aldus lifts his head, "Ciaran," He softly calls my name. "You came."
Napayuko ako. "Sorry, ngayon lang ako. Kanina kapa siguro nag-aantay dito."
Naguilty tuloy ako mga isang oras ako nalate, ayaw ako pakawalan ni Nox kanina, e. Naalala ko nanaman ang nangyare ramdam ko ang pamumula ng aking pisnge.
Tumayo siya at lumakad hanggang sa nasaharapan ko na siya. "It's okay, as long as you came."
Biglang sinipat ni Aldus ang mukha ko, worry is written all over his face. "Are you okay?" he asks, worried. "Are you sick? Your face is so red." Mabilis niyang hinubad ang suot na jacket at ipinasuot sa'kin.
"Aldus! Okay lang ako!" natatawang usad ko.
"Just wear this, Ciaran. Nilalamig ka siguro kaya namumula pisnge mo," seryosong sagot niya.
Hindi na ako nagreklamo at hinayaan nalang siya na ipasuot sa'kin ang jacket niya.
"Sorry if I ask you to meet me this late."
Umiling ako. "Ano ka ba! Walang problema, Aldus," pagpapanatag ko sakanya. "Seryoso... Okay lang."
Dahil kung hindi mo ako inaya baka hindi kami nagkausap ni Nox ngayon... Hindi ko malalaman ang tunay na nararamdaman ko para sakanya.
Kaya salamat, Aldus.
"Bakit mo nga pala ako inaya na makipagkita?" kuryosong tanong ko.
Iniwas niya ang kaniyang tingin sa'kin at tinignan ang paanan namin.
Mukhang nag-iisip siya ng sasabihin. Iniangat niya ang tingin sa'kin kaya nginitian ko siya para na rin ma-encourage siya. "Mhm... I ... I like," putol putol na sabi niya. Kinagat niya ang pang-ibabang labi niya. He looks frustrated for some reason. "Fuck!" rinig kong ang mahina niyang pagmura.
"You like... Ano?" pag-aabang ko sa susunod na sasabihin niya. Nabitin ako, e.
"I like to give you something..." sabi niya, huminga siya ng malalim at may hinugot sa bulsa ng pants niya. Isang maliit na velvet box. "Gusto kong ibigay 'to sayo bago ka umuwi ng Manila," he added, flashing a shy smile.
Aldus opens the box at nakita ko ang isang bracelet na pink gold at may pendant na crescent moon.
"Ang ganda, Aldus!" nakangiting puri ko habang nakatingin sa bracelet.
"Yeah, it's beautiful."
Bumaling ako sakanya at nakitang nakatingin siya sa'kin pero agad niyang binaba ang tingin sa bracelet at inalis 'yun sa kahon para isuot sa'kin.
"There," nakangiting aniya.
"Maraming salamat, Aldus, ha. Sayang wala akong maibibigay sa'yo."
He waves his arm in disagreement. "Oh, no! There is no need for that. Gusto ko lang talaga ibigay sa'yo 'yan. I'm not expecting something in return. Don't worry, Ciaran."
"Thank you ulit, ha! The best ka!" Binigyan ko siya ng isang thumbs-up.
Aldus chuckles, ginulo niya ang buhok ko. "No problem," he softly said. "I'll take you home. Anong oras na, baka pagalitan ka ni Tita Ciandra at Lola V."
YOU ARE READING
✓ CHASING MIDNIGHT | NISHIMURA RIKI FF
FanfictionNox Atieno Alfonso [EN - SERIES 1] A spark of attraction was felt by a 21-year-old man, Nox Atieno, toward a 15-year-old girl named, Ciaran Maeves. He was hesitant to pursue anything because of the age difference. However, Ciaran seemed to reciproca...