Kabanata 6

24 8 12
                                    

Confess



Hindi ko na natuloy ang pagpapasalamat kay Nox dahil sa nangyari. Hindi ko 'ata kaya na makita muna siya... sa ngayon kasi ang sakit. Ilang araw na akong hindi lumalabas ng bahay at ngayon ang last day namin dito sa Puerto Princesa. The Alfonso cousins always visit me except kay Nox. Maybe, he's back with his girlfriend.


Good for them... I guess.


"Hija, bakit parang ang tamlay mo?" Tanong ni Lola Elvina.


Bumisita siya sa bahay dahil hindi na daw ako pumupunta sa mansyon at nag-aalala siya. Sinabi kong okay lang ako at gumagawa nalang ng rason mukhang na kumbinsi naman si Lola at hindi na nagtanong.


"Monthly visit lang, Lola," pagrarason ko ulit.


Tumango-tango si Lola Elvina. "Ah, kaya pala. Maghot compress ka lang, hija, para maibsan ang sakit."



"Opo."



"Bakit ka napunta dito, Vina?" Si Lola Victoria.



"Bawal na ba ako dito, Ria? Aba't syempre! Namiss kita! Hindi ka pumupunta sa mansyon!" Sagot ni Lola Elvina habang nakanguso.



Tumawa lang si Lola Victoria. "Nako! Nako! Wag kang ganyan, Vina! Nakakadiri kang matanda ka!"



Sinamaan ng tingin ni Lola Elvina si Lola Victoria. "Aba't! Makatanda ka parang di tayo magka-edad ah!"



"Fresh pa ako, Vina! 'Yan kasi stress na stress ka sa kayamanan mo kaya tumatanda ka lalo!" Panunuya si Lola Victoria tapos tumawa ng matalakas.



Grabe talaga 'to kung makapag-asar si Lola Victoria. Umiling-iling ako habang nangingiti na tinitignan silang nag-aaway. Ang cute!



"Mama! Tama na 'yan baka tumaas ang dugo ni Mommy Vina!" Sita ni Mommy kay Lola V.



Tumawa lang si Lola V habang nakabusangot si Lola E.



"Fresh pa ako, hindi ba, Ciandra anak?" tanong ni Lola E, nakanguso kay Mommy Ciandra.



Nilapitan ni Mommy si Lola E at inalo. "Naman! May asim kapa, Mommy Vina! Patay na patay ng sa inyo si Daddy Frederico, e!"



Namula agad si Lola E dahil sa sinabi ni Mommy.



"Nako! Ang tanda na kinikilig pa din kay Fred!" Si Lola V.



Binalingan siya ni Lola E. "Nahiya ako saiyo, Ria! Rupok mo nga kay Marcus, e!"



Nag-irapan silang dalawa at nagpatuloy sa pagbangayan parang mga bata.



Habang nakatingin kila Lola hindi ko namalayan ang paglapit ni Mo my sa'kin. Hinaplos niya ang buhok ko at ngumiti.



"Matamlay ka ba kasi uuwi na tayo bukas, Anak?" Malambing na tanong ni Mommy.



"Parang ganon na nga Mommy. This summer feels different kasi I have some people I know here na," nakangiting sagot ko.



"I know, baby," she softly said. "Nakapag-impake kana ba? Maaga flight natin bukas."



Tumango ako. "Tapos na, po."



"Aawatin ko muna mga Lola mo baka may mahigh blood pa," tumatawa na sabi ni Mommy.



I went to my room at nahiga. Kinuha ko ang cellphone ko at nagscroll sa social media to kill some time, wala akong gagawin ngayon, e.



✓ CHASING MIDNIGHT | NISHIMURA RIKI FFWhere stories live. Discover now