Kabanata 13

25 8 15
                                    

Assurance



Buong araw kami gumawa ng activities at naglecture. Wala gaanong ganap sa klase at ngayon magpapractice na kami ni Esmee sa Volleyball.


Pagkadating namin ni Esmee sa Quad B, nakita ko ang iba naming kasama. Nalaman ko din na hindi nakapasok si Hidalgo dahil sa ginawa niya, she lacks one quality to become a good player, which is sportsmanship.


Kasama sa napili sina Marasigan, Kajes, Olviz, Del Rio, Ocampo, Juarez, si Esmee, at ako.


Pagkadating namin ni Esmee sakanila tinanong kaagad nila ako kung okay na ba ako, and they were so nice. Nagstretching na kami at dumating na din si Ms. Ong, nakaagad ding nagtanong sa kalagayan ko.


"Ngayon tayo mags-select kung sino ang magiging captain ninyo , kayo ang magv-vote kung sino sa tangin nyo ang deserving na maging captain. Don't be bias, okay? Be fair," sabi ni Ms. Ong.


Tumango ang lahat at nagsimula na kaming magpractice. Mga isang oras kaming nagpractice ng marinig naming pumito si Ms. Ong. We gathered in front at hinihingal na umupo sa sahig.


"Are you guys ready to vote? Do you have someone in mind?"


I want Marasigan to be the Captain kasi sobrang galing niya, she deserves the position.


Nilapit ni Esmee ang mukha niya sa tenga ko. "Who are you going to vote?" bulong niya.


"Marasigan. How about you?"


Ngumisi si Esmee. "You. And I'm not being biased, ha."


Umiling nalang ako at tumingin na sa gitna. Nagstart na ang votings at may tatlong pumili sa'kin para paging captain. Isa si Esmee, at ang dalawa ay sina Marasigan at Kajes. But in the end, si Marasigan ang napili. She deserves it!


Pagkatapos ng practice namin pumunta ako sa locker room at chineck ang phone ko. Nakita ko ang text ni Nox, one hour ago pa.


Nox:

I'm outside. Good luck with your practice. Be careful, pls. :)


Ngumiti ako binilisang magbihis, naghilamos din ako at nagpabango. Naglagay ako ng pulbo at lip tint, para magkakulay ang mukha ko.


"Let's go, Eves! Slater is waiting for me outside!" pagmamadali ni  Esmee sa'kin. Mukhang may lakad din sila ni Slater ah


"Eto na, sandali." I took a last glance at my face in the mirror and when I'm satisfied lumabas na ako at lumapit kay Esmee. Sabay kaming naglakad palabas.


"Valerios!" masayang sigaw ni Esmee ng makita si Slater na nakasandal sa kotse niya. Slater waves his hand to me, pero agad na binaling ang titig sa kaibigan ko.


On the other hand, nahagip kaagad ng mga mata ko si Nox. Nakasandal siya sa kotse habang nakakrus ang mga braso niya sakanyang dibdib. He's staring at me with those blazing eyes, just like before. The only difference now it's not intimidating stares but rather full of passion and unexplainable emotions, and it's making my knees weak.


"Hi pogi," bungad ko sakanya ng makalapit ako. Agad na ipinalibot ni Nox ang mga braso niya sa bewang, na lagi niyang ginagawa, he pulled me closer to him. Oh, how I love his possessive stans. He rested his face on my neck, slightly sniffing it. Nakakakiliti ang init ng hininga niya na tumatama sa balat ko.


"You smell good," bulong niya sabay patak ng halik sa leeg ko. Good thing wala na masyadong studyante kasi pagabi na.


"Bola ka pa! Tara na nga!"


✓ CHASING MIDNIGHT | NISHIMURA RIKI FFWhere stories live. Discover now