Kabanata 1

33 8 59
                                    

Bond



Nagpahanda si Lola Elvina ng meryenda dito sa kamalig, kahit na busog pa ako pinilit ko pa din kumain dahil inaalok ako ng mga apo niya, specifically sina Slater at Vale, minsan naman ay si Pierce.


Naglalaro ng chess sina Damon at Killen habang nanonood kami sakanila maliban nalang kina Nox at Aldus. Nox is on his phone at minsan ay sumusulyap ito sa mga pinsan niya, nalaman ko din kanina na magkapatid pala sila ni Killen at Damon, mga kuya niya.


To summarize it all, magkapatid sina Nox, Damon, at Killen. Magkapatid din si Aldus at Pierce. And of course, magkapatid si Vale at Slater, kambal pa nga, e. Sa pagkakaalala ko na sinabi ni Lola Victoria sa'kin noon ay tatlong lalaki ang anak ni Lola Elvina, kay Lola V ay dalawa, si Mommy Ciandra at Tita Celene.


Pumasok si Lola Elvina dahil may tataposin pa raw siya sa kaniyang opisina kung kaya't naiwan ako dito kasama ang mga apo niya. At first akala ko mao-out of place ako pero hindi pala, mabuti nalang at nandiyan si Vale.


"Ilang taon kana, Cia?" Si Vale, nakangiting nagtanong. Ang angelic talaga ng mukha niya.


Dahil sa tanong niyang iyon nakuha namin ang atensiyon ng mga tao roon. Nilibot ko ang tingin sa kanila, one gaze caught my attention, the blazing one. There is something about his gaze that makes me feel nervous for no apparent reason. Baka dahil nakakatakot ang mga mata niya?


Aldus eyes are filled with curiosity.


"I'm... I'm F-Fifteen," I whispered softly.


Rumehestro ang gulat sa mukha nila except for Nox na walang emosyon ang mukha.


"Talaga?!" Si Killen. "Damn! I'm 8 years older than you! I feel so old!" Hindi makapaniwalang ulat niya ganoon rin ang kaniyang kambal na nakabukas lang ang bibig.


So, they are both 23 years old, I see.


Nang makabawi silang lahat isa-isa silang nagsabi ng kanilang mga edad.


"Kami, 20 years old, Cia!" Si Vale nagsabi sabay turo sa kambal. Ngumiti ako at tumango.


"21, here," Si Pierce.


"22," Si Aldus.


Napatingin ako kay Nox inaantay ang sasabihin niya, he stared at me with a lazy eyes. "What?" masungit na tanong niya. Umiling ako agad at umiwas nga tingin. "21." 'Yan lang ang sinabi niya at tumayo agad para umalis, nakatanaw lang ako sa likod niya habang naglalakad siya papasok ng mansyon. Bakit kaya mukhang galit sa'kin 'yon? May nasabi o nagawa ba akong masama?


"Hayaan mo na siya, Cia! Masungit talaga 'yon pero mabait naman, minsan," sabi ni Vale sabay tawa, nahawa nalang din ako sa tawa niya.


Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Aldus. Nginitian ko siya ng magkabanggaan ang mga braso namin. "Sorry, po," paumanhin ko.


He stared at my face for a long time so, parang naconscious ako. I heard him cursed softly. "O-okay kalang, po, Kuya Aldus?" nag-aalangan na tanong ko.


He is clenching his jaw and his lips in a thin line. Umiling siya. "Don't call me that."


"Po?" Tila hindi maintindihan ang kaniyang pinapahiwatig.


"Don't be too respectful, at least, not to me," he whispered lowly sabay iwas tingin.


Gulat ako sa sinabi niya pero agad ding nakabawi. "Okay... A-Aldus."


✓ CHASING MIDNIGHT | NISHIMURA RIKI FFWhere stories live. Discover now