Nakapag-UD rin sa wakas!
Oh, click VOTE muna bago ituloy ang pagbabasa. :P
Btw, 60+ votes for the next UD.
Di ako mag-uupdate kung wala pang 60+, okey? Usapan yan. =))
Seryoso yan. ;)
In-line comments? Pwede na!
Highlight nyo lang yung paragraph or sentence then click the bubble speech.
===================================================================
NINE
XYRA'S POV
Ako na. It's my turn to have a dare. Jusko, sana naman maayos ang mapipili nilang dare. Nakakahiya talaga kung embarrassing yan. Baka hindi ko kayanin yan.
Binasa ni Bianx ang dare sa phone nya. "Give a piggyback ride to the person on your right." Lahat sila tumingin sa kanan ko. What the hell! Alam ko na kung sino.
"Seryoso?!" tanong ko pa. Sabay sabay silang tumango na apat. Argh! Why does it have to be Kyle again? Bwiset. Wala akong magagawa kundi sundin na lang. Kababae kong tao tapos ako pa magbubuhat. "Fine!"
I stood up. Tapusin na to!
"Sure ka?" tanong pa ni Kyle sa akin na nag-aalangan.
"Do I look like I'm kidding? Kaya nga ako tumayo eh." pataray kong sagot. Naiirita na naman ako.
"Tss. Taray mo talaga." I rolled my eyes. Yumuko na ako para makasakay sya sa likod ko. Sana makayanan ko ang lalake na 'to.
"Woooh! Go, guys!" hiyaw nila sa amin.
Sumakay na si Kyle sa likod ko. Hinawakan ko sya sa magkabilang binti para di sya mahulog. Tapos nagsimula na akong maglakad. Para akong pagong nito. Ang bagal at step by step pa ang lakad ko.
"Ya, tigidig! Ya, tigidig!" What the—?! At may gana pa syang gumanyan sa akin!
"Pwede ba! Umayos ka nga! Pag nabitawan kita, bahala ka!" sita ko sa kanya. Umaakto pa kasing ako kabayo nya. Kaasar ha? Pero mas kaasar talaga kapag sa sobrang likot nya ay mabitawan ko sya. Siya ang kawawa. At baka magka-injury pa.
"Alam ko namang di mo ako bibitawan. Diba?" tanong nya sa malambing na tono ng boses. Hindi ako nasagot sa tanong nya. Anong pinagsasabi nito? Bigla ko na lang naisipan na alisin ang isang kamay ko sa may hita nya. "Whoa!" nataranta sya't napakapit bigla sa balikat ko. Huh! Buti nga sa kanya. "Talagang bibitawan mo ako?!"
"Dapat lang yan sa'yo." Ang dami pa nyang dakdak. Gusto ko na talaga matapos 'to. Kaya sinikap kong bilisan ang lakad ko. Pagdating sa dulo ay lumiko na agad ako pabalik sa pwesto namin. Nabibigatan na talaga ako kay Kyle! Konti na lang bibigay na talaga tuhod ko nito. "H-hindi ko na kaya!" sigaw ko.
BINABASA MO ANG
JUST ONE MORE NIGHT [One Night, #2]
Romansa[SEQUEL] After two years, Xyra's back from the US with her one year old son Kersey. It's been tough for her raising Kersey alone. But with the support of her loving parents and Miguel, she was able to do so. And now that she's back, fate has brought...
![JUST ONE MORE NIGHT [One Night, #2]](https://img.wattpad.com/cover/19664932-64-k777063.jpg)