SEVENTEEN

14.3K 321 33
                                        

Medyo mahabang UD po ito. Kinikilig ako habang nagta-type. Sana kayo rin kiligin! ☺
I dedicate this chapter to @loveyoukitty

Sana magustuhan nyo guys!
Pwede magrequest si author? IN-LINE COMMENT naman kayo. Para malaman ko reaction nyo sa chapter na ito. Salamat! Kahit maiksi ok lang.

Please like my page: LadyChay Wattpad
And join my group: Lady Chay Stories

===========================================================================

SEVENTEEN



XYRA'S POV


Ito na naman ako. Naghahanap ng damit na masusuot para mamaya. Yes, today is the day. Ang araw kung saan lalabas kami ni Kyle. Also called as "the-forced-date". Kahit ba yung lecheng coin na yun ang nagdecide, basta sapilitang date ito. Feeling ko tuloy sinadya nya talagang manlibre eh para nga sa huli maramdaman kong may utang ako. Tapos biglang kabayaran eh kailangan ko makipag-date sa kanya. Naku talaga nga naman! Sarap nyang batukan.


I finally found the perfect outfit in my cabinet. My red and white tunic dress. Sana kasya pa sa akin ito. Para malaman ko, sinukat ko ang dress. I check myself in the mirror. Hay salamat! It still fits.


Tunic dress: Check!

White shoulder bag: Check!

Red low heeled doll shoes: Check!




I'm ready.


--o-

KYLE'S POV


Kanina pa ako hanap ng hanap ng maisusuot ko. Sa dinami-dami ng mga damit ko sa cabinet, bakit ngayon pa ako naging sobrang conscious sa suot ko? Di ako mapakali. Ang choosy ko masyado. Is this because I really want to look good in front of Xyra?


Hay. I guess this V-neck long sleeved will do, matched with my black jeans. Medyo semi-formal din naman ang dating. For the last time, chineck ko ang sarili ko salamin.


"Ah, pogi." sabay aksyon ko ng papogi sa salamin. HAHA! Yabang e noh? Anong suot kaya ni Xy? Baka mabighani na naman ako sa kanya kapag nakita ko.


--o-

XYRA'S POV


"Wow! Anak! Bagay na bagay sa'yo." puri ni Mama pagpakita nya sa aking pababa ng hagdan. Nginitian ko na lang sya.

"Aba! Makalaglag panga naman ang suot mo, nak." sabi naman ni Papa. Grabe naman si Paps. Laglag panga talaga? Dahil dyan ay natawa si Mama.

"Kersey , look at mommy oh! Ganda?" tanong ni Mama kay Kers na nakakandong sa kanya.

"Yes. Ganda...mommy." sagot naman ng anak kong pumapalakpak. Ang baby ko talaga, laging pinupuri ang mommy nya.

"Ano andyan na ba siya?" tanong ni Mama.


Kasabay ng pagtunog ng phone ko. Chineck ko kung sino nagtext. Aba tingnan mo nga naman, si Kyle pala.

JUST ONE MORE NIGHT [One Night, #2]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon