Hey, guys. Ito lang talaga kaya kong ibigay na UD para sa inyo. I'm sorry :(
This UD is for you yahnie04!
PLEASE PLEASE SUPPORT KYLE AND XYRA! Kahit slow and UD. :(
Thank you :*
=======================================================
FOUR
XY'S POV
I can't believe this. I just can't believe I'm sharing the same room with that dumbass! Di ko akalaing yung mga napapanood kong korean drama eh may ganito rin pala sa totoong buhay. Hays.
Nakasakay na kaming lahat sa elevator. Awkward because yung dalawang couple eh mukhang excited, ako lang ang halatang nakasimangot dito. Si Kyle neutral lang. Tss. Aba! Dapat lang, makita ko lang talaga siyang ngumisi-ngisi dyan humanda siya sa akin! Nakatitig pa rin ako sa kanya nung nakita ko syang ngumisi. Yan na nga ba sinasabi ko eh!
"Sobrang gwapo ko ba para titignan mo?" Ano raw?!
"Tch!" umirap ako "Alam mo...kung tinititigan ka man ng tao, dalawang dahilan lang yan. Una, dahil gwapo ka. Pangalawa, dahil SOBRANG PANGIT MO!" Napatingin yung apat sa amin.
"Ah. Kaya pala." tumatango-tango siya "So, I was right. Dahil gwapo nga ako." sabay lingon nya sa akin at kinindatan ako. My jaw dropped.
"5th floor"
"Tumabi ka nga! Feelingero!" binangga ko sya sa tagiliran para maidaan yung maleta ko. Buti nga sa kanya! Hambog! Lumabas na ako ng elevator without bidding the others good bye. Sinisira na naman ng lalakeng 'to ang araw ko! Bakit ba kasi sumama pa ako? Sana nagdahilan na lang ako. Maaalagaan ko pa si Kersey.
Nakarating na ako sa hotel room namin. Ini-swipe ko na ang key card. Diretso pasok na ng kwarto. At bumulaga sa akin ang...isang kama. Nakatitig lang talaga ako doon. Naghanap pa ako ng ibang pwedeng mahigaan. May sofa naman.
Nasa tabi ko na si Kyle. Tinimbrehan ko na, humiga agad ako sa kama. Arms and legs wide open para kunware sakop ko lang laki kahit kasya ang dalawang tao. Feel na feel ko. "Haay. Ang sarap humiga sa kama KO." I emphasized the word to let him know that I'm sleeping on this bed ALONE.
"Tch." yun lang ni-react nya. Naglakad na sya papunta ng sofa at nagtanggal ng sapatos. Kala ko aangal pa ang mokong. Mabuti yan. Malinaw na ako lang hihiga sa kama na 'to. "Bantanyan mo yang kama mo. If I see you out of sight, ako hihiga dyan." Ano raw? Wow ha?
"Are you threatening me?!"
"Nope. I'm making a deal with you." he simply replied. Kapal!
"Pwes, no deal ako!" pataray kong sagot. Inaayos ko ulit ang pagkahiga. Nakabukaka legs ko at braso para wala siyang mapwestuhan. "Don't you ever lay your hands on me." sa matapang na tono ng boses ko pa yan sinabi. "Humanda ka sa akin." dugtong ko. And then I closed my eyes. I'm ready to take a nap again.
BINABASA MO ANG
JUST ONE MORE NIGHT [One Night, #2]
Romans[SEQUEL] After two years, Xyra's back from the US with her one year old son Kersey. It's been tough for her raising Kersey alone. But with the support of her loving parents and Miguel, she was able to do so. And now that she's back, fate has brought...