FOURTEEN

15.5K 321 11
                                    

XYRA'S POV


Kanina pa ako hindi mapakali. Kanina pa ako naglalakad pabalik-balik dito sa kwarto. Anong susunod na hakbang ang gagawin ko?


***


When I heard Rhian say Kyle's name ay nabaling ang atensyon ko sa lalaking nasa harapan ko. Nakasuot pa ito ng cap. Nung lumingon siya sa akin, doon ko nalaman na si Kyle nga. I was in deep shock. I was frozen in my position.

"Kanina ka pa ba nandiyan?" tanong ko sa kanya. Hindi sa mahinahong paraan pero sa paraang bakas na bakas ang takot sa tono ng boses ko.

"H-ha? Hindi ha. Kararating ko lang." sagot nya. "Bakit?" And then I saw him look at Kersey. Agad kong niyakap si Kers, iniiwas kong makita nya ang mukha ng anak ko.

I shook my head. "Tara na, Rhian." I carried Kersey and left.


***


Tama kaya ang ginawa ko? Na tumalikod na lang? I didn't even ask him kung narinig nya ba ang usapan naman ni Kers.


I clasped my hands tightly. Please, I hope he didn't hear anything. Kyle will definitely doubt why Kersey called me Mommy. And why I addressed myself as Kersey's mom.


TOK! TOK!


Mama entered the room. "Oh, anak. Akala ko ba makikipaglaro ka kay Kersey?" tanong niya. Oo nga pala, I almost forgot sa sobrang pagwo-worry ko. "Is there something wrong, anak?"


Dapat ko bang sabihin kay Mama ang nangyari?


"Ma. I think Kyle saw Kersey."

"What?"



I told Mama everything. And right after telling her, her only comment was..."Xyra, anak. Hindi tayo nakakasiguro kung nakita ba nya talaga ng harap-harapan ang bata o narinig nya ang usapan nyo ni baby. Pero ihanda mo ang sarili mo. Kapag dumating ang panahon na hindi mo na talaga maitatago pa kay Kyle ang katotohanan, aminin mo na sa kanya."

"Pero Ma. Kung narinig nya ang usapan namin at kung nakita man nya si Kersey, di ba dapat tinanong nya ako? Pero hindi. Hinayaan nya lang kami." paliwanag ko.


Hindi na nakasagot pa si Mama. "Mabuti pa, wag mo munang i-stress ang sarili mo sa mga ganyang bagay. Maging positive tayo. Let's hope na nga lang na wag munang matuklasan ni Kyle ang katotohanan." yan ang mga huling katagang binitawan ni Mama. Tumango na lang ako. Pero kahit na, dahil sa nangyari ay hindi agad mawawala ang pag-aalala ko.


"Mommy..." called Kersey who's standing in front of me.

"Yes, baby?"

"Play." Hay, oo nga pala. Because of worrying too much, nakalimutan ko ng makipaglaro sa anak ko.

"Okay, baby. Let's play your new toy." Kersey and I headed to the living room and played his new toy.

JUST ONE MORE NIGHT [One Night, #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon