Ito na po ang UD ko! Medyo mahaba siya para sulit naman pagbabasa niyo. Salamat sa mga sumusuporta at bumuboto sa kwento. ☺
===========================================================
ELEVEN
XYRA'S POV
Kakausap ko lang kay Bianx. I asked her kung may alam ba syang job offering. Unfortunately, wala raw. But when I called Rhian, meron daw! Sa agency pa raw kamo nila. Saktong naghahanap ng mga agents daw ang kanilang travel agency. So she told me to meet up with her tomorrow morning near their office. I said, game naman ako.
By the way, its been a week already. Wala akong ginawa buong linggo kundi nandito lang sa bahay at nag-alaga kay Kersey. Nakakaramdam na ako ng pagkabagot. Seriously. Siguro ang ginagawa ko na lang to kill time is baking. Yes, I've been baking a lot of pastries for the past week like cupcakes, tarts, cheesecakes, graham balls, and so on. Mama and Papa were impressed by my baking skills. They asked me saan at paano raw ako natuto. Well, I told them nasa U.S pa lang, nakahiligan ko na. They even suggested na in the future magpatayo ako ng sariling bake shop. LOL. Pwede rin.
"Hmmmm! Mukhang masarap ang dinner natin ngayon ah.'' si Mama pala nasa likod ko. Panay singhot sa amoy ng luto ko.
"Yes, Ma. Beef broccoli with oyster sauce ang ating ulam." sabi ko. "Excited na ako!" pumapalakpak pa si Mama. Parang bata lang.
"Where's Kersey, Ma?" tanong ko.
"Ayun. Nasa sala, nanonood ng Barney. Nga pala anak, magbibirthday na si baby next month. Ano balak mo?" Oh, yes. Kersey's about to turn two on Christmas Day. Akalain mo yun noh? Nasaktuhang birthday ng anak ko sa mismong Pasko. Kaso parang ang aga naman ata para pag-usapan ang plano para sa birthday ni Kers.
"Kahit dito na lang sa bahay, Ma. Para di magastos." sagot ko habang tinitikman ang luto ko.
"Grabe naman, anak. Gawin mo namang medyo bongga. Kahit sa club house ng village natin o kaya sa isang garden resort." suggest nya. Bago ko siya sagutin ay pinatikim ko muna sa kanya ang lasa ng luto ko. "Hmm! Sarap. Matamis-tamis." napangiti ako. Buti naman swak sa panlasa nya. "Wala akong paki kung malaki pa ang magastos natin. Basta gusto ko, bongga ang party ng apo ko."
Napabuntong hininga na lang ako. "Osha, sige Mama. Sa clubhouse na. Rentahan na lang natin. Tapos tayo na lang rin magdecorate."
"Good decision, anak! Kain na tayo. Nagugutom na ako." sabay talikod nya sa akin at lumabas ng kusina. Mama talaga oh.
Sinet-up ko na ang lamesa namin. Ready for dinner na. Hindi naman makakasabay si Papa ngayon kasi mag-oovertime daw sya. Kaya kaming tatlo lang ni mama at Kersey.
Saktong pagkatapos namin kumain ay dumating na si Papa. Kung alam lang namin na medyo male-late lang pala sya, eh di sana hinintay na naman sya. Mas masaya kung lahat ay sabay-sabay na kumakain.
"Ako na maghuhugas, nak. Punasan mo na si Kersey." sabi ni mama.
"Sige, Ma."
"Let's go, baby." I reached for Kersey's hand at dinala na sya sa CR.
"Yehey! Play...ducky." he said excitedly. He meant makakapaglaro na naman sya tubig kasama ang duck bath toy nya. Yung tumutunog tapos nalutang. Gustong-gusto ng bata na 'to sa tubig. Ewan ko ba.
--o--
KYLE'S POV
BINABASA MO ANG
JUST ONE MORE NIGHT [One Night, #2]
Romance[SEQUEL] After two years, Xyra's back from the US with her one year old son Kersey. It's been tough for her raising Kersey alone. But with the support of her loving parents and Miguel, she was able to do so. And now that she's back, fate has brought...
![JUST ONE MORE NIGHT [One Night, #2]](https://img.wattpad.com/cover/19664932-64-k777063.jpg)