[SEQUEL]
After two years, Xyra's back from the US with her one year old son Kersey. It's been tough for her raising Kersey alone. But with the support of her loving parents and Miguel, she was able to do so. And now that she's back, fate has brought...
FYI, guys. Malapit na po matapos ang JOMN. Ilang chapters na lang. 😃
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
============================ TWENTY ONE
XYRA'S POV
''Bat ginanun mo si Wil? Tinawag mo pang J-boy!'' inirapan ko sya. ''My god, Kyle! Napakamalisyoso mo.'' dagdag ko.
''Eh kung makaakbay kasi sa'yo eh! Kala mo girlfriend ka nya.'' sagot nya.
''Natural lang yun para maitago nya ako sa'yo noh.'' sabi ko.
Umiling-iling na lang sya. ''Basta. Hindi ko gustong umaaligid sa'yo ang J-boy na yun.'' Tiningnan ko sya ng masama. Bahala ka dyan! Nakakainis. ''Oh, nasaan ang ticket mo?''
Ticket. Hmm. Sabihin ko kayang nawala ko ang ticket para hindi kami matuloy sa EK? Bwahahaha! Tama tama! Ganun na nga. Ang talino mo talaga, Xyra!
''Ayy, sorry! Nawala ko eh.'' I shot him an apologetic glance.
''Ano?!" napahawak sya sa manibela ''Nawala mo?'' he asked in disbelief.
I nodded.
''It's okay. I have another ticket here.'' I turned to look at him. ''Alam kong wawalain mo yun.'' he added. Then he winked at me as he started the car's engine. Juskolord! Wala akong masabi. Mas matalino pala si Kyle.
I heaved a sigh as I put my seat belt on.
--o—
Dalawang oras na ang nakalipas at wala pa rin kami sa EK. Bakit ba kasi ngayon napili ng mokong na 'to na pumunta? Buti sana kung sa weekend. Gagabihin tuloy kami. Ano oras na naman kaya ako makakauwi nito?
''Relax. Malapit na tayo.'' sabi nya. Nilingon nya ako sabay ngiti.
''Di ko lang talaga maintindihan. Bakit kailangan gabi pa tayo pumunta?'' kalmado ko tanong. ''Okey pa siguro kung sa araw.''
''Kasi mas maganda ang isang lugar kapag gabi.'' sagot nya. Di ko gets. Hindi ba't sa araw kasi maliwanag? ''Mamaya...malalaman mo kung bakit.''
Uhh okay? Sige nga. Tingnan ko mamaya. Ang tagal ko ng hindi nakapunta ng EK. The last time I went there was way back in college with my cousins. I've never been here with friends. Ano na kaya itsura ng EK? Ganun pa rin kaya?
''Gusto mo bang magdinner muna pagdating doon?'' tanong nya.
Hmm. ''Di na. Kahit snacks na lang.'' sagot ko. Sa bahay na lang ako magdidinner. At syempre, para hindi tumagal ang oras na kasama ko sya.