Janice’s P.O.V
Tapos ko ng ayusin ang gamit ko para sa bakasyon/imbestigasyon.
Nakita kong nagmessage si Marc sabi nya sabay na raw kami.
Ibinaba ko ang phone ko ng makapagreply ako.
Tumayo na ako para umalis pero nahulog ang phone ko kaya kinuha ko ito. Biruin mo may nasa ilalim ng kama. Kinuha ko ito.
Habang tinititigan ko ang bagay na hawak ko biglang pumasok si tita. Tinanong ko kung ano iyon.
“Tita alam mob a kung ano ito?”
“Patingin nga!”
Nagtatakang tanong ni Tita
Nabigla na lang ako sa facial reaction nya.
“Janice saan mo ito nakuha?”
“Ah eh sa ilalim po ng kama.”
“Alam mo ba Janice nawala ito bago mamatay ang mama mo!”
“Eh ano po ba ang halaga niyan?”
“Janice hindi mo alam kung gaano kahalaga ito, isa itong agimat. Alam mo bang pamana ito ng lola sa mama mo. Sabi daw ni lola may taglay itong kapangyarihan.”
“Ano pong klaseng kapangyarihan?”
“Iniiwasan ng agimat na ito ang KAMATAYAN. Pero kung nasa iyo ito ng matagal na panahon, at bigla itong nawala. Ikaw na at hindi na ang agimat ang makikipaglaban kay KAMATAYAN.”
BINABASA MO ANG
Prom Night (Under Stem Cell Therapy)
HorrorEXCITED NA BA KAYO SA PROM NYO AT SA PROM DATE NYO??? BAKA MALAMAN NYO KUNG PAPAANO MAGMAHAL ANG ISANG TAO KAYA NYANG PUMATAY AT MAMATAY PARA SA KANYANG MINAMAHAL Cover by: @imclarencepadilla