Nawawalang Bangkay???

3.4K 33 2
                                    

Alvin's P.O.V


Pagkatapos namin makawala sa mini-forest napag-desisyonan na ng grupo na ipagpabukas na ang pag-iimbistiga sa nangyari sa amin.

Pagod kami at posibling galit na ang mga magulang namin hindi nanamin itutuloy ang bakasyon namin sa rest house sabi ni Jeric mas mabuti daw na umuwi muna kami at kumuha ng mga damit o kahit anong pwedeng dalhin para sa pag-iimbistiga namin.

Sasabihin lang namin sa magulang namin na na-cancel yung bakasyon tapos na-moved sa ibang araw para mas mapabilis ang imbestigasyo. Heto ako ngayon pauwi na saka may lamay nga pala ngayon si Tiyo Bien.

Ayaw ko sanang umuwi na pero kailangan ko paring makita ang akin tiya.

Nasa harapan na ako ng bahay mistulang malala talaga ang sunog walang natira sa bahay kundi ang kahoy at pundasyon.

Nakatira daw ngayon si Tiya sa bahay ng kanyang kapatid pero ang ipinagtataka ko lang ngayon dahil naan dito sya sa bahay at may  mga pulis.

"Tiya anong nangyayari dito?"

 

 

pag-aalala kong tanong

 

"Nawawala ang bangkay ng tiyo Bien mo!"

 

mangiyak-ngiyak na sabi ni tiya

 

 

HA? Paano po nangyari yun?"

Pasigaw kong tanong

 

"Iho noong naapula ang apoy may nakita kaming bangkay, agad namin itong isinakay sa ambulansya pagkatapos ng 30 minutes nakatanggap kami ng balita na na-aksidente ang sasakyang sinasakyan ng bangkay ng tiyo mo.Agad kaming pumunta sa pinangyarihan ng aksidente at nakita namin ang brutal na pangyayari. Ang driver ng sasakyan luwa ang mata, butas ang dibdib, nakanganga ang bibig at dilat ang mga mata at-------"

Prom Night (Under Stem Cell Therapy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon