Maling Akala

2K 26 7
                                    

Marc’s P.O.V

Nagisng ako sa tunog ng alarm clock, alas-singko na pala. Lahat kami nagsibangon na at hinanda ang dalawang sasakyang gagamitin.

Si Tiya Nilda gising narin at naghahanda ng almusal.

Inayos namin ang pinaghigaan namin at pumunta na sa dining area.

Sa salas na rin kami nakatulog dahil sa sobrang pagod.

Binuksan ko ang tv at nilaksan ang volume nito.

Pumunta ako sa kusina para tumulong, ang iba nasa lamesa na at nag-iintay na lang ng pagkain.

Habang naghuhugas ako ng pinggan, tiningnan ko ang maliit na bintana.

May nakita akong liwanag, hindi ko ito pinansin dahil baka street light lang ito.

Pero nanlaki na lang ang mga mata ko ng makitang.

.

.

..

.

..

.

.

.

.

PAPALAPIT ITO NG PAPALAPIT

At hindi nagtagal nakita ko ang buo nitong anyo.

Isang pulis vehicle.  

Agad akong napasigaw.

“MAY PULIS!!!”

Lahat nagtakbuhan, pero hindi parin alam kung saan pupunta.

“Pumunta lahat kayo sa likod ng bahay naan doon ang mga kotse.”

Sabi ni Tiya Nilda na natataranta na din.

Isa-isa namin kinuha ang mga gamit namin, sinuot ang mga backpack at inalis lahat ng mga posibleng makita na pumunta kami dito.

Pagkarating namin sa likod. Pinaandar agad ni Alvin at Jeric ang kotse.

Si Alvin ang nagmaneho ng maliit na van habang si Jeric ang nagmaneho ng sports car.

Halos lahat ng barkada pumunta sa mini-van dahil medyo masikip na sa sports car, kaya ako si Jeric at si Janice.

“Deretsohin nyo lang yan at may makikita kayong daan papuntang bayan.”

Sabi ni Tiya Nilda.

Nasilip ko pa kung gaano kalayo ang mga pulis mga isang kilometro na lang.

Agad kaming umalis doon. Muli kong sinulyapan si Tiya Nilda kita sa mukha nya ang pag-aalala sa amin.

1 oras namin tinahak ang daan na yon. Medyo mabato kasi kaya nahirapan kami sa pagusong. At hindi nagtagal nakarating na rin kami sa bayan.

Agad kaming naghanap ng gasoline station na bukas, buti na lang merong 24 hours dito.

Nag-park muna kami at kumain sa karinderya dahil hindi rin kami nakapag-almusal sa bahay.

Halos 6:30 na kami natapos kumain dahil na rin ito sa sobrang gutom.

Maliwanag na at mabilis na rin kami makakapaghanap.

Si Alvin at si Jeric nagpapagasulina na habang kami pumunta sa mini-stop na nasa gasulinahan.

Bumili kami ng mga pagkain para may makain sa daan at tubig. Pinabili rin ako ni Alvin ng mga extrang battery at flashlight dahil hindi pa namin alam kung kelan kami matatapos.

Palabas na kami ng mini-stop.

Nabigla na lang kami sa sumunod na pangyayari.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Biglang pinaandar ni Jeric ang kotse at umalis.

Bukas pa ang lalagyan nya ng gasoline at tumutulo ito.

Hindi nagtagal may biglang lumayab na apoy na hindi namin alam kung saan galing.

Hinabol ng apoy si Jeric at hindi nagtagal sumabog ang kotse nya.

“JERIC!!!”

Napahiyaw na lang kami sa nagyari. Agad kaming nagtakbuhan kay Alvin at tinanong kug anong nangyari.

“May biglang nag wang-wang nataranta kami parehas ni Jeric akala namin pulis nasusunduin ko na san kayo pero sinilip ko muna na kung saan nang gagaling ang wang-wang yun pala sa isa lang kandidato. Lalapitan ko nasa si Jeric pero bigla nyang pinaandar ang kotse at umalis hindi nya alam bukas pa ang lalagyan nya ng gasolina. Hindi ko alam kung saan galling ang apoy. Pero huli na ang lahat hinabol ng aboy ang sasakyan ni Jeric at sumabog.”

Pagsasalaysay ni Alvin.

“Guys pano yan?”

.

.

.

.

.

Abangan

Vote, Comment, Follow

Author~MOO

Prom Night (Under Stem Cell Therapy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon