Flashback ni Carl

2.6K 24 4
                                    

Carl’s P.O.V

40 days na ang nakalipas ng mamatay si Harley.

Ang bilis ng oras parang kahapon lang nasa piligro kaming lahat.

Sa loob ng 40 days hindi nagparamdam ang Red Lady at Black Man pero ang konsensya namin hindi parin matahimik.

Parang hindi tama na pabayaan lang namin ang nangyari kay Harley. Pero sa tingin ko parang may hindi tama.

<Flashback>

Bata pa lang ako nakikipag-usap na ako sa mga kaluluwa ng mga namatay, napatunayan ko iyon ng mamatay si Nathan, ang kuya ko. Pinag-babarali sya ng mga taong hindi pa nakikilala sa bar, ilang taon kaming naghanap ng hustisya para sa kanya.

Isang araw mag-isa lang ako sa bahay kasama si Yaya Mildred. Tumutugtog ako ng piano ng biglang umihip ang napakalakas na hangin.

Napatigil ako sa pagpapiano. Tumingin –tingin, biglang tumugtog muli ang piano pero ang ipinagtataka ko lang hindi ako nagalaw. Naalala ko si Kuya sya ang nagturo sakin mag-piano, sya ang best friend ko.

Napa-iyak na lang ako, gusto ko nang mayakap si Kuya ulit.

Nakaramdam ako ng lamig sa aking tabi. Parang freezer sa sobrang lamig.

“Baby Carl wag kang umiyak naan dito naman si kuya eh lagi ko naman kayong binabantayan.”

 

Sabi ng isang lalaking nasa tabi ko, malamig ang kanyang boses. Nang tingnan ko ang nagsalita napangiti ako nakita ko ulit si Kuya, nakangiti sya at malinis ang kanyang mukha at pananamit.

 Niyakap ko sya hindi ko nga alam kung paano ko sya nayakap dahil kaluluwa sya at ang mga kaluluwa ay isang energy lang na natira sa taong namatay.

“Kuya than-than, bakit mo kami iniwan nina Daddy at Mommy?”

Prom Night (Under Stem Cell Therapy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon