Dahil mahal na mahal ko kayo at madaming sumusuporta sa Prom Night nag-post ako ng Special Chapter para malinawan po kayong lahat. #PromNightSpecialChapter
Janice POV
Matapos ang isa’t kalahating taon ng trahedya eto kami ngayon hindi buo ngunit masaya. Minsan nasabi ko sa sarili ko na bat’ ba hindi na lang ako ang namatay kung ako rin ang dahilan kung bakit nangyari ito. Bakit ba kailangan iba pang tao ang magdusa dahil sakin siguro kung nabubuhay pa sila sisisihin nila ako. Pero wala na at nagpapasalamat na rin ako na hindi ako kinuha ni Lord. Tandang-tanda ko pa kung paano sumabog ang ambulansya na DAPAT ay sinaksakyan ko noon.
Flashback
Nakaupo ako noon sa may folding bed ng ambulansya may hawak akong tempra pack na nakapatong sa ulo ko dahil na rin nakaramdam ako ng hilo.
Pssst
Pssst
Pssst
Sunod na sunod na narinig ko luminga-linga ako sa paligid upang malaman kung sino ang sumusutsut sakin. May nakita akong matandang lalaki di kalayuan sa aking kinaroroonan sumenyas sya sakin para pumunta ako sa kanyang kinaroroonan. Tiningnan ko kung may nurse dito wala pa namang mag-aasikaso sakin dahil busy pa sila dahil nagkakagulo na kami. Bumaba ako sa ambulansya at pumunta sa isang puno kung saan nakita ko ang matandang lalaki. Tiningnan ko ang likod ng puno ngunit wala doon ang matanda. Babalik na ulit sana ako sa ambulansya dahil may nakita na akong nurse ngunit may sumitsit ulit sa akin. Sinundan ko kung saan nanggagaling ito at yun pala nasa taas ng puno ang matandang lalaki.
Sumenyas sya na umakyat ako, may nakita akong mga kahoy na nakadikit sa puno hinawakan ko yung hanggang makaakyat ako sa puno. Umupo ako at tumabi sa matanda. Laking gulat ko ng makita ang kanyang mukha.
“Tatang kayo po pala paano nyo po kami nahanap? Tatang bakit nyo po ako tinawag? Tatang----“
Hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko dahil sumenyas si tatang ng wag maingay at sabay turo sa ambulansya na dati ko kinaroroonan.
May isang babaeng pumasok ang babae sa ambulansya hindi lang pala isang ordinaryong babae ngunit sya ang Red lady pumasok sya sinarado ang pinto ng ambulansya at bigla itong umandar hindi pa man nakakalayo ang ambulansya bigla itong sumabog kitang-kita ko ang usok na pumalibot sa ambulansya. Sunod-sunod na tumulo ang luha ko. Narinig ko ang hiyaw ni Alvin at ramdam ng puso ko ang kirot ng puso nya. Alam kong akala nya na ako ang nasa ambulansya. Kailangan kong puntahan si Alvin, kailangan kong protektahan sya baka mamaya lumitaw nanaman si Tiyo Bien. Bababa na sana ako ng puno ngunit pinagilan ako ni Tatang.
“Wag ka munang bumaba Janice wag ka munang magpakabayani. Hindi sa lahat ng bagay kaya mong gawin mag-isa ang mga problema ng iba minsan kailangan muna nating hayan silang lutasin kani-kanilang problema. Kung bababa ka ngayon sige hahayaan kita pero sa oras na bumalik si Bien sa inyo at patayin kayo isa-isa wala na akong magagawa doon. Sumama ka sakin Janice kung gusto mong tuluyan kayong maligtas at mawala ng tuluyan si Bien dito sa mundong ibabaw”
Kahit na labag sa kalooban kong hindi bumaba nanatili parin ko dito dahil para rin ito sa amin.. Para ito sa akin at lalong lalo na sa mga kaibigan ko. Ayoko ng may buhay pang mawala dahil lang dito at gagawin ko ang lahat kahit na buhay ko pa ang kapalit.
Nakita ko si Alvin na tumakbo sa papalapit sa ambulansya ngunit bigla ulit itong sumabog. Parang dinudurog ang puso ko sa tuwing sinisigaw ni Alvin ang pangalan ko. Bakas sa mukha nya ang lungkot, galit, takot at pagkagulat. Halos sumalpak sa lupa si Alvin dahil sa pag-iyak. Pumunta na ang mga bumbero sa nasusunog na ambulansya at inapula ang sunog. Hindi ko na kayang makita ang mga sumunod na pagyayari. Sumandal ako sa puno at nagdasal hanggang di ko namalayang nakatulog na pala ako.
Nagising na lang ako sa isang maliit na kubo. Nakita kong nakatayo si Tatang at parang may dinadasal. Lumapit ako sa kanya at nakita ang mga mata ng daga, dugo, dila, mga iba’t ibang klase ng halaman at iba pa.
“Kamusta ang kamusta mo Janice?” walang emosyon na sabi ni Tatang dahil na rin siguro abala pa sya sa kanyang ginagawa at kada bagay ng hinahawakan nya binubulungan nya ito.
“Okay lang naman po ako, ano po bang ginagawa nyo Tatang?” tinitingnan ko parin ang ginagawa ni Tatang mukhang importante itong ginagawa nya
“Ito ang makapagpapa-alis kay Bien dito ngunit may isa pa akong bagay na hindi ko mahanap. Isang ispesyal na agimat, isang agimat na kayang pigilan ang kamatayan ng isang tao” Lumukso ang dugo ko alam ko kung anong agimat ang tinutukoy ni Tatang.
“Ito po ba yun Tatang.” Nilabas ko ang agimat na sinasabi ni Tatang simula ng sinabi sa akin ni Tita kung ano ang halaga nitong agimat na ito ginawa ko na itong necklace balak ko pa namang ibigay ito sa taong pinakamamahal ko… si Alvin mas gugustuhin ko pang sya ang makatakas sa kamatayan kesa sakin.
“Oo eto na nga yun. Maari ko ba itong gamitin para matapos ko na ang ritwal na ginigawa ko.” Tumango ako at ibinigay kay Tatang ang agimat. Pinagsama-sama nya ang mga kasangkapan at itinapon sa apoy dinasalan ito bago itapon sa apoy ang agimat umusok ng kulay pulang usok at humupa ang apoy.
Makaraan ng ilang minuto’y bigla kaming nakarinig ng nakaririnding hiyaw ngunit natapos rin ito.
Makaraan ang ilang araw sinabihan ako ni Tatang na pwede na akong makaalis. Agad akong nagpaalam kay tatang at nagpasalamat sa lahat ng tulong na ginawa niya.
Habang naglalakad pauwi inisip ko kung ano ng nangyari sa mga kaibigan ko lalong lalo na kay Alvin. Hindi ko namalayang may kotse palang paparating at muntikan na akong mabunggo. Napa-upo ako sa daanan at bumaba ang lalaki sa kotse. Si Carl hindi ako nagkakamali si Carl to. Pero bakas sa mukha nya ang takot at pagkabigla.
“Janice ikaw ba yan, Janice totoo nga ikaw si Janice. Janice buhay ka.” Nagtatakang sabi ni Carl bakas sa mukha nya ang tuwa
“Oo Carl nagtago muna ako at hindi pinaalam sa inyo na buhay ako. Carl anong nangyari noong nawala ako.” Bago nya ako sagutin niyaya nya muna akong pumasok sa sasakyan at pumayag muna ako. Habang nagmamaneho si Carl sinabi nya sakin lahat. Na akala nila ako saw yung babaeng nasa ambulansya nag-conclude na sila na ako yun kahit na sunog na sunog na ang katawan ko dahil ako lang daw ang huli nilang nakita sa loob ng ambulansya. Sinabi nya sa akin na matutuwa sina Alvin pag nalaman nila na buhay ako. Ngunit buo na ang desisyon ko na hindi ko muna ipapaalam kay Alvin na buhay ako. Ngunit nagpumilit si Carl na sabihin na ito. Kaya sinabi ko ang dahilan kung bakit ako nawala ng matagal. Sinabi ko na kailangan wag muna nating sabihin kay Alvin ang totoo hangga’t hindi pa tayo na nakakasiguro na wala na talaga si Tiyo Bien dahil pag nalaman si Alvin na buhay pa ako maaring magkaroon na naman ng dahilan si Tiyo Bien para guluhin ang mga kaibigan ko dahil alam nya na hindi pa nakakamit ni Bobby ang gusto nya. At yun ay ako.
End of flashback
Nasa harapan kami ngayon ng puntod ng mga kaibigan ko. Hinawakan ni Alvin ang kamay ko after all we’ve been through nanatili kaming matatag. Ito na ang bagong simula, bagong buhay, bagong pagkakataon at bagong pagharap sa mga problema. Maswerte ako dahil hanggang ngayon may mga kaibigan akong patuloy na sumusuporta sa akin. Things happen because you let them happen. Kaya ginawa ko ang lahat para mailigtas ang mga kaibigan sa kamay ng mga taong gusto kaming paghiwalayin.
Author~ItsHalcyon
BINABASA MO ANG
Prom Night (Under Stem Cell Therapy)
TerrorEXCITED NA BA KAYO SA PROM NYO AT SA PROM DATE NYO??? BAKA MALAMAN NYO KUNG PAPAANO MAGMAHAL ANG ISANG TAO KAYA NYANG PUMATAY AT MAMATAY PARA SA KANYANG MINAMAHAL Cover by: @imclarencepadilla