Kabanata 6
Aki:
What if gusto ka talaga ni Rafael?Rita:
Ha? As if? Hindi ba ayaw nga ni Rafael na nasa bahay nila si Celeste kahit dati pa?Napakagat ako sa aking labi dahil sa mga nababasa ko.
Medyo nabigla ako nang mapansing napatingin sa akin si Rafael, bahagya kong iniiwas ang phone ko sa direction niya.
"Chismoso." Sambit ko.
Hindi niya pinansin ang sinabi ko, idineretso nalang muli ang tingin sa daan, ang magulo niyang buhok ay bumabagay sa kanya, hindi ko din maiwasang huwag malasing sa scent niya, after all, this is ny favorite scent!
As of now, nasa byahe kami papuntang airport to visit Bohol for our 'Honeymoon'
Kadiri. Nevermind!
Si Dad at Mom lang naman ang may gusto at ang parents din ni Rafael.
Natapos na ang civil wedding 2 days ago, wala naman doon si Riguel.
Hindi ko alam kung dahil sa work o talagang ayaw niya din akong makita or dahil din hindi naman sila close ni Rafael.
I kinda hoped na makikita ko siya sa family dinner noong gabi pero hindi rin.
Ugh, nevermind.
Nagtipa ako ng message para sa dalawa.
Celeste:
I totally agree with Rita. I know Rafael, ginagawa niya lang 'to to impress their Mom na forever kay Riguel lang naimpress.Isinend ko iyon at itinago ko na ang phone ko.
I pity Rafael. Sana mas pinili niya nalang maging free spirit at tinuloy niya sana dahil papahirapan lang siya ng expectations ng Mom nila.
"Kailan uuwi si Riguel?" Maayos kong tanong.
Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Rafael. "Why?"
Bumuntong hininga ako. "I'm thinking...Riguel and I should talk," We both deserve a proper closure din, isa pa.. I never got to say sorry to him.
"What for," Bahagya siyang bumaling sa akin. "He didn't even bother cancelling his plans for you."
"Ano ba, alam ko okay? You don't have to rub it in my face." Pumikit nalang ako at ihinilig ang ulo ko sa headrest, avoiding his gaze. "I just...I feel like I need to talk to him because we still have problems na hindi na sort out, Rafael." Dagdag ko.
Itong si Rafael palagi nalang gustong hinihingal ako sa galit at inis sa kanya!
Buong byahe tuloy ay pinilit kong gumawa ng kung ano anong ikakadistract ko para lang huwag siyang makausap.
"Celeste, we're already here,"
Napadilat ako nang marinig si Rafael. Bahagya kong kinusot ang mga mata ko saka ko sinilip ang mukha niya.
Napangiwi ako.
Narinig ko lang ang mahinang paghalakhak niya bago bumaba ng sasakyan. Seeing him passing through the car's front, lakas makagwapo.
Bahagyang magulo pa din ang kaniyang buhok, he's wearing his usual plain shirt, iyong kulay black. Napansin ko din last time, noong inayos ko na ang damitan niya, puro black ang tshirt niya!
Bagay naman sa kanya.
Muling nabalik sa realidad ang isipan ko nang buksan niya pa ang pinto para sa akin.
"Thankyou," Sambit ko. Sinara ko ang pinto at tinulungan siya sa pagdala ng bagahe namin galing sa likod ng sasakyan.
"Akin na." May authority niyang sinambit.
![](https://img.wattpad.com/cover/228577775-288-k652902.jpg)