Chapter 2

176 2 0
                                    

Nathalie's POV

Dalawang araw na ang nakakalipas matapos mangyari ang sa pagitan namin ni Drake.halos sundan ko siya nung araw na yon para lamang suyuin pero hindi man lang niya akong nagawang pansinin.

araw ngayon ng Huwebes kaya naman bagot na bagot akong bumaba para mag agahan.agad kong binati sila Mama at papa na busy na naman sa paguusap.

Napapansin ko ding simula pa nung lunes ay masama na ang timpla ng mga mukha nila.hindi ko narin sila makausap kagaya ng dati na nagbo bonding pa kami at kung minsan ay lumalabas kami para manood ng cine.

Nag-aalala ako sa kanila pero hindi ko naman magawang manghimasok dahil masyado pakong bata para makisali sa usapan ng matatanda.

malapit na ang araw ng paligsahan,nakapag ensayo na ba kayong mga player ng volleyball?”biglang basag sa katahimikan ni kuya Niel.

Nilunok ko muna ang pagkaing nginunguya bago sumagot,hindi pa kuya e pero baka mamaya makapag practice narin kami,”

“sige titignan korin kung makakapunta ako mamaya sa gym kung san kayo mag e ensayo,"sambit niya pa bago kumagat sa hotdog na hawak.

Nginitian ko na lang siya at nagpatuloy narin sa pagkain.naalala kong sumali rin si Arnie sa Cheer dance kung saan kami ang magka team.sumali rin ako ng badminton dahil pinilit ako kahapon ng mga kaklase ko kaya wala narin akong nagawa.mabuti na lang at marunong ako dahil sa tuwing weekends ay palagi kaming naglalaro ni kuya Niel ng ganon.

Sabay na kaming nagpaalam ni kuya kila Mama at mabilis naring umalis. pagdating namin sa school ay agad ko naring natanaw si Arnie na may kaharutan na namang lalaki.napaikot na lang ako ng mata bago bumaba sa pagkakasampa ng motor.

“oh hi Bessy! ”narinig kong sigaw nito.sandali ko munang ibinigay kay kuya ang helmet bago siya hinarap.

magandang umaga,sino siya?”nakangising tanong ko kaya naman maarte niya akong binalingan.

napangiwi ako nang isukbit nito ang kanang braso sa isang braso ng lalaki.
Seryoso?

ngingiti ngiti niya akong tiningnan bago tumingin sa katabi niyang lalakeng nakangiti narin ngayon sa'kin.

bessy,meet Edrin.boyfriend ko,”pagpapakilala niya sa kasama kaya napaarko na lang ang isa kong kilay.

tinitigan ko ang nagngangalang Edrin.kyut ito at magandang mamorma.bagay sa kaniya ang moreno nitong kutis at mukhang hindi rin naman ito gagawa ng hindi maganda.

“hi,I'm Nathalie.wag mong lolokohin yang kaibigan ko ha?kapag yan umiyak ng dahil sayo,makikita mo,”pagbabanta ko pa pero mahinhin lang niya akong nginitian.

wagkang mag-alala.seryoso ako sa kaibigan mo at sana ay ganoon din siya sa'kin, ”aniya nito sabay baling kay Arnie na halos maglumpasay na sa kilig.

THE WATSON BROTHERSWhere stories live. Discover now