Chapter 16

106 3 1
                                    


Nagising ako dahil sa marahang pagtapik ng kung sino sa pisngi ko.kinusot kusot ko ang mata at ang seryosong mukha ni Keifer ang bumungad sa akin.

Agad akong bumangon sa pagkakahiga at inayos ang sarili.

“p-pasensya na,nakatulog ako.”hinging paumanhin ko dito na tinanguan lang niya.

Nakabukas parin ang TV pero ngayon ay iba na ang palabas.siguro'y natapod na ang pinapanood ko kanina dahil sa himbing ng pagkakatulog ko.

dumapo ang paningin ko sa may kalakihang wall clock na nasa itaas ng malaking TV at napamura na lamang ako sa isip.

Shit!it's 2 o'clock in the afternoon! Makakagalitan na'ko ni papa nito!

Nagmamadali kong hinanap ang cellphone ko at agad iyon ibinulsa bago bumaling si Keifer na nakandey kwatro at naka poker face na nakatingin sa akin.

Hindi na ito naka suit kanina at naka simpleng sando na lang ito na kulay itim at shorts na itim rin.kahit ganon lang ang ayos niya ay hindi parin talaga maiaalis dito ang lantad lantad niyang kagwapuhan at ang naguumapaw sa kasexyhan ng kaniyang katawan.

Tulad ng mga kapatid niya ay matitipuno ang kaniyang pangangatawan at parang babad na babad sila sa gym.

“staring is rude,miss” agad akong natauhan ng marinig ko siya at pinamulahan ng mukha.

Kung bakit naman kasing ang kikisig nilang magkapatid.ayan tuloy pati ako ay hindi mapigilang pagnasaan sila.

a-ah..pasensya na ulit.itatanong ko lang kung nasan ba si Tyron?”pinatatag ko ang boses ko at hindi ipinahalata ang matinding kaba na nararamdaman ko ngayon.

“nasa banyo siya,why?”

Nahihiya ko naman siyang tinignan pero agad ding bumaba sa sahig.

p-pakisabi na lang na umuwi na'ko. Hindi ko na siya mahihintay dahil baka maghurumentado na si papa ng galit 'pag hindi pa'ko nakauwi ngayon,”kinakabahang lintaya ko habang nakatuon parin sa makintab na sahig ang paningin ko.

Hindi ko siya magawang tignan sa mata dahil sa kaba ko.nahihiyan parin ako sa inasta ko kanina at dapat lang na hindi ko siya tignan ng diretso sa mata.

“ako ba ang kinakausap mo?why you're not looking at me?”nagtataka niyang tanong sa akin.

Mabilis ko lang siyang tinignan at bumalik rin sa sahig ang mata ko.

Napatango-tango ako,O-Oo ikaw kinakausap ko,”

“then why you can't look straight into my eyes?am I that ugly?”

Bigla akong natigilan at agad na napatingin sa kaniya.seryoso lang siyang nakatingin sa akin na parang may hinihintay siyang kasagutan.

Ugly?saang banda naman ang pangit sa kaniya?

THE WATSON BROTHERSWhere stories live. Discover now