Naalimpungatan ako sa ilang beses na pagkatok ng kung sino sa labas.dahan dahan naman akong tumayo at pinagbuksan yun.bumungad sa'kin si Kuya na bagong ligo na at naka uniform narin.napatingin naman ako sa oras at alas singko palang ng umaga.“Maligo ka na at maaga tayong aalis ngayon.”kinunotan ko naman siya ng noo.
“bakit?e ang aga aga pa ah,”
“basta.wagnang maraming tanong at bilisan mo na jan.”huling sabi niya bago ako iwan na nakatanga.napailing na lang ako at nagmadali na ring naligo.
Pagkatapos ay nagbihis narin ng kahit ano tutal puro practice rin naman ngayon ang gagawin namin dahil bukas narin ang kompitisyon.
Nang matapos ay agad na akong bumaba at nakita doon si kuya na naka-upo sa may sofa habang nagtitipa sa selpon na hawak nito.nabaling ang atensyon niya sa akin at pinagtaasan ng kilay.wew!kuya ko pa ba 'to?
“Ang kupad mo talagang kumilos.bilisan mo na jan,Nathalie, ”maldito pa nitong sabi na ikinanguso ko naman.
“E bat ba kasi tayo nagmamadali kuya?”bagot kong tanong sabay subo ng hotdog na hawak.
“tch.sa atin makikisabay si Kill.”walang gana niya namang sagot sa'kin na ikinasamid ko ng kaunti.
Pucha!
Agad akong napainom ng wala sa oras at kunot noong tumingin sa kaniya.
Makikisabay?e single nga lang motor namin e tsaka may mga kotse naman sila.“Ano?kuya naman!single lang nga ang motor na ginagamit nating service e,paano tayo magkakasya niyan?”inis kong turan naman na ikina talim ng tingin niya sa akin.e kasi naman e.plus ang laki laki pa ng katawan ng Kill na yun.
“ang oa mo Lie.kasya tayo niyan tsaka may lakad din kami ni bro kaya wagka ng umangal jan.”aniya at ibinalik ulit ang atensyon nito sa screen.
Napabuntong hininga na lang ako bago napanguso.ng matapos ako sa pagkain ay nagpaalam narin kami ni kuya kay Mama at agad naring umalis.
Buti na lang talaga at hindi ako nakapalda laluna't paniguradong bubukaka ako nito.PSH!yang si kill kasi e.
Napatahimik naman ako dahil sa pumasok kami ng malaking gate ng mga Montenegro at nakita namin si Kill na nakatayo sa may bungad kasama ang apat na kapatid.
Tumigil naman kami sa tapat nila at nagawa ko pang ngumiti sa kanila sa hiyang nararamdaman.
Bumaba ako sa pagkakasakay ng motor at bahagyang lumapit kay kuya.

YOU ARE READING
THE WATSON BROTHERS
RastgelePOLY SERIES #1 Sabi nila,pagmahal mo ang isang tao,lahat gagawin mo mapasayo lang ito.na kapag mahal mo ang isang tao,hindi mo siya susukuan kahit na anumang mangyari.iyan ang mga katagang matagal ng pinapaniwalaan ng dalagang si Nathalie.ngunit pa'...