“T-Tyron..”
Madilim ang mukha at halos magiisang guhit narin ang kaniyang nakatutop na labi dahil sa pagpipigil.hindi ko alam kung nagagalit ba siya o ano sa inaasal niya sa akin.
Naka business attire siya kaya bakat na bakat ang makikisig niyang pangangatawan.
“a-anong ginagawa mo dito–”
“sino ang lalaking iyon?”putol niya sa sasabihin ko.napalunok ako ng wala sa oras kahit na kay simpleng simple lang naman ng tanong niya.
Nakakaramdam kasi ako ng kaba sa tono ng pananalita niya.
“h-ha?s-si ano..s-si kuya Andy yon.”nauutal kong sagot pero hinigit niya lang ulit ako hanggang sa dumikit na ang katawan niya sa akin.
Tila kakapusin naman ako sa hininga kaya bahagya akong lumayo sa kaniya.
Taena!ano bang nangyayari sa lalaking ito?
“why are you with him?did you forget that you already have a f*cking boyfriend?!”
Napasinghap ako sa marahas niyang sigaw sa akin.kung makasigaw ito sa kaniya ay parang tigre na handa ng sumakmal kahit na anong oras.
Hinawakan ko ang balikat niya at marahan iyon hinagod hagod.ayokong magalit siya sa akin ngayon.kahit na hindi ko naman alam kung anong ikinakagalit niya,kailangan kong mag sorry.
Tsaka boyfriend ko na pala siya at hindi ko kaagad iyon naisip.naunahan kasi ako ng excitement e.
Matiim ko siyang tinitigan sa mata habang seryoso parin itong nakatingin sa akin.mabilis ang paghinga niya na parang hingal na hingal kaya pinakalma ko siya ulit.
“sorry dahil pumayag akong magpasama kay kuya Andy. dapat sinabihan na muna kita.kalma ka lang.wagkang magselos dahil ikaw parin naman ang nilalaman ng puso ko,”bahagyang tumaas ang sulok ng labi ko ng makita ko ang pamumula ng kaniyang mukha.isa lang ang ibig sabihin non...kinikilig siya.ang assuming ko naman noh?hihi
Nag-iwas ito ng tingin sa akin at narinig ko pa ang mahihina nitong mura. Pinigilan kong wag mapangiti dahil baka mainis na naman siya sa akin.
Ng aalisin ko na ang kamay kong nakahawak sa balikat niya ay siya naman ang humawak sa'kin doon at saka mabilis na kinaladkad papasok sa kotseng nakaparada.
Napamulagat naman ako ng mapagtanto kong hindi lang kaming dalawa ang nasa loob kundi lima kami.kasama namin ang mga kapatid niya at heto na naman ang puso ko.tumatambol na naman ng napaka bilis.
Tumabi si Tyron sa akin sa backseat kaya pinanggigitnaan na nila ako ngayon ni Kaegan.si Keifer ang nasa driver seat at si kill naman ang nasa passenger.
Nakaramdam ako ng pag ilang ng saglit na magtama ang paningin naming lahat kaya pinilig ko ang ulo at napapalunok na ibinaling ang tingin kay Tyron na ngayo'y nakangisi na.
Ng umandar na ang sinasakyan namin ay nanatiling nakay Tyron ang paningin ko.hindi ko magawang ibaling ang paningin ko sa harap dahil baka lumabas na ang puso ko sa sobra nitong pag-tibok.
YOU ARE READING
THE WATSON BROTHERS
DiversosPOLY SERIES #1 Sabi nila,pagmahal mo ang isang tao,lahat gagawin mo mapasayo lang ito.na kapag mahal mo ang isang tao,hindi mo siya susukuan kahit na anumang mangyari.iyan ang mga katagang matagal ng pinapaniwalaan ng dalagang si Nathalie.ngunit pa'...