Lumipas ang ilang araw matapos maganap ang pinaka memorable na araw sa aming taga SE University.isang linggong walang pasok ang idineklara ng may ari ng university na si Don Alejandro para raw sa special vacation ng mga players.Sagot na ni Don Alejandro ang lahat kaya hindi na'ko nag-inarte pa at mabilis na sumama.mejo sumisikat narin ang pangalan ko ngayon dahil tuwing lumalabas ako ay ang pangalan ko na lamang ang bukambibig ng mga kababaihan na nadadaanan ko.hindi sa naga-assume pero may apelyido e.lagi na lang Navarro o kaya naman si miss captain.
Bukas pa ang alis namin papunta sa isa sa pinakamahal and at the same time ay sikat din na beach resort sa pilipinas kaya sinusulit ko na ang araw na'to dahil limang araw kami mawawala.
Napagisipan kong lumabas ng bahay at pumunta sa bahay nila Arnie tutal ay sasama rin naman daw siya.nakapag bonding narin kami kaya hindi na ako masyadong nagtatampo pa.ang ikinapagtataka ko lang,sa nakalipas na mga araw na hindi kami nagkakausap,parang may bago sa kaniya.hindi ko maipaliwanag pero parang umiiba na ang Arnie na kababata ko at bestfriend ko.nagiging lalaki na ito kung kumilos at kung noon ma'y sobrang arte ng boses niya kung magsalita,ngayon naman ay napakabaritono at laging tunog seryoso.
I wonder kung ano na nga ba ang Arnie na bestfriend ko ngayon.
Isang simpleng short lang na itim at puting over size shirt ang isinuot ko pagkatapos ay nagsandal lang din na itim.yayayain ko kasi si Arnie na kumain sa mang inasal na paborito naming kainan noon kapag weekend.
Maganda kasi doon dahil kahit ilan pang kainin mo na kanin ay pwede nilang maibigay na libre lang sa mga customer.
Inilugay ko na lang ang buhok ko at agad naring bumaba.nadatnan ko si mama at papa na nasa sala at masayang nanonood ng isang palabas.dahil sa nakita ay ngayon ko lang napagtantong anniversary pala nila ngayon.
Agad akong lumapit sa kanila at sinalubong ng isang mahigpit na yakap.“Happy Anniversary sa ma't pa..”hinalikan ko sila sa kanilang pisngi kaya nginitian rin naman nila ako.
“salamat anak.akala ko nga ay nakalimutan mo nang anibersarya namin ng mama mo 'e.”ani ni papa.
“pwede ba naman yun pa?e lab na lab ko kayong pareho e,”
“at mahal na mahal rin namin kayo ng kuya mo,anak.mukhang may lakad ka,san ka naman pupunta?”masuring sambit nito ng mapansin ang bihis ko.
Napakamot naman ako ng bahagya sa batok ko dahil ngayon ko lang naisipang nandito pala si papa sa bahay.kapag kasi sa kaniya ako nalakapagpaalam ay aabutin pa ako ng siyam siyam para makuha ko ang pagpayag niya.
Mejo strikto kasi si papa kumpara kay mama at naiintindihan ko naman kung bakit siya ganon.pinoprotektahan niya lang ako sa mga peligro laluna't nagiisa lang ako na anak niya na babae at pati si kuya.lagot ka talaga kuya pag nalaman ni papa na nagaano ka!
“E-e ano kasi pa..uhh pupunta lang sana ako kina Arnie para yayain siyang kumain sa labas.”
YOU ARE READING
THE WATSON BROTHERS
OverigPOLY SERIES #1 Sabi nila,pagmahal mo ang isang tao,lahat gagawin mo mapasayo lang ito.na kapag mahal mo ang isang tao,hindi mo siya susukuan kahit na anumang mangyari.iyan ang mga katagang matagal ng pinapaniwalaan ng dalagang si Nathalie.ngunit pa'...