Nathalie's POV
Naiinis kong dinampot ang isang unan na nasa tabi ko at mabilis iyon ibinato sa lalaking bumulabog sa napakasarap kong tulog.nyeta!kay aga aga nambubulabog!
"Kuya Niel naman ihh!" at dahil sa inis,mabilis ko siyang pinaghahampas ng unan. yun na yun e!mahahalikan ko na si Drake!kaso ang putik kong kapatid biglang umeksena,aargh!
"Aray !aray ko naman Lie!" Tatawa tawa niya pang pigil sa akin kaya mas lalo ko pa siyang hinampas.
Sige tawa ka pa kuya,"ayun na yon kuya e!argh!umepal ka pa kasi!"
Hahampasin ko pa sana siya ng sitahin na kami ni Mama.masama ang timpla ng mukha nitong nakatingin samin ni kuya kaya naibaba ko agad ang unan na hawak.anyare?
"Wag na kayong magaway jan at bilisan niyo ng mag-agahan.baka ma late pa kayo pag hindi kayo tumigil,"
Tumango na lang kami bago nagkaniya kaniya sa ginagawa.mabilis lang akong naligo at nag-ayos narin.isinuot ko ang uniporme namin sa school bago bumaba patungong hapag.nadatnan ko doon sila Mama at Papa na seryosong naguusap.hindi ko na iyon pinansin pa at umupo na sa tabi ni kuya Niel.
Kagaya ko ay nakasuot narin ito ng uniporme at masasabi kong nakadagdag iyon sa kagwapuhan niya.naks!gandang lahi talaga ng mga Navarro.
Kahit na hindi kami mayaman at masyadong bilad sa araw ay nananatili paring makikinis ang aming mga balat at maputi.
Buti na lang at maaga kaming nakaalis dahil mejo malayo pa ang byahe namin patungong Unibersidad.wala kaming kotse na masasakyat pero may motor naman kaming nagagamit.
Ayos rin ito dahil mabilis rin mapagpatakbo si kuya at mukhang bihasa narin ito sa isang rider na motor.ang bilis niya ngang magpatakbo e.parang lalagnatin ka na sa sobrang bilis.
Pagkadating namin ay agad nakong bumaba sa motor at inalis din ang suot kong helmet na kulay berde.hinintay ko si kuya na maiparada niya ang motor bago kami sabay-sabay na pumasok.
Maraming estudyante ang bumungad samin at ang halos karamihan don ay mga humahanga kay kuya.lumapit narin ang mga kaibigan niya sa gawi namin kaya naman nagpaalam nakong mauuna na.
Sumaglit muna ako sa Cafeteria para bumili ng tubig.mejo nauhaw kasi ako.
‘nasan na kaya siya?’
Nagpalinga-linga ako sa paligid para hanapin ang taong gustong gusto ko ng makita pero ang lalaking iyon, hindi sinabing hindi siya makakapasok ngayon.
‘ano pa bang aasahan mo?’
Napabuntong hininga ako at akmang aalis na sana nang may tumawag sa'kin.
"Nathalie?" tinig ng kung sino kaya nilingon ko ito agad na nakapagpangiti naman sa'kin.
"Troy," tawag korin sa kaniya.si Troy ang isa sa mga kaibigan ni Drake kaya madalas rin kami nitong magkulitan.
matipuno si Troy at may hitsura rin.mabait siya kaya mabilis korin siyang nakapalagayan ng loob.
YOU ARE READING
THE WATSON BROTHERS
RandomPOLY SERIES #1 Sabi nila,pagmahal mo ang isang tao,lahat gagawin mo mapasayo lang ito.na kapag mahal mo ang isang tao,hindi mo siya susukuan kahit na anumang mangyari.iyan ang mga katagang matagal ng pinapaniwalaan ng dalagang si Nathalie.ngunit pa'...