Umiigting ang panga nilang apat habang nakatingin sa akin.napapahiya akong lumayo kay Drake na ngayon ay nakatulog na sanhi sa alak na nainom.Nakasubsob ito sa leeg ko at nasalo ko lahat ang bigat niya.napasandal pa'ko sa malamig na pader dahil dito.napatikom ang bibig ko ng lumapit sa'min si Tyron at walang imik na kinuha sa'kin si Drake at inakay.
Hindi nila ako pinansin o kinausap man lang.napabuntong hininga na lang ako.mukhang galit sila sa nakikita ko ngayon o baka naman naga-assume na naman ako?
Tahimik lang akong sumunod sa kanila hanggang sa masalubong namin si Freya na mukhang kakaligo lang.namataan niya kami at hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba iyon na hinagod niya ng tingin ang kabuuan ni Tyron.mabilis rin naman yun nawala at napalitan ng pag-aalala na lumapit kay Drake.
“Mygahd!what's happened to him?”sinipat-sipat nito ang mukha ni Drake at parang iniinggit pa yata ako.naikot ko na lang ang mata.
Walang ni isang nagsalita sa magkakapatid kaya ako na lang ang sumagot.“naparami lang siya ng inom kaya nakatulog siya sa elevator,”
Hindi ito tumingin sa'kin na expected ko naman at itinuro na lang kung saan namin dadalhin ang boyfriend niya.napamulagat pa'ko ng sa room namin iyon at maagapan siyang pinigilan.
“teka,hindi jan ang kwarto nila–”pagsasalita ko pero mabilis niyang pinutol.
“alam ko,”walang pake niyang putol.
“kung ganon,bakit dito mo yan patutuluyin?”
“bakit?boyfriend ko siya at ako ang masusunod.”sarkastiko nitong sambit.
Gusto ko pa sanang magprotesta pero hindi ko na tinuloy.
Ng maihiga nila ng maayos si Drake ay agad na ring umalis ang apat.malamang ay naiinis parin siguro ang mga iyon.bakit nga ba?hays.
Dumiretso ako sa banyo bago naghubad at maligo ng mabilis.may usapan pa kami ni kuya mamaya at baka bulyawan pa'ko nun pag hindi pa'ko nakahanda pagdating niya.
Matapos ang ilang minuto ay natapos rin ako at nagbihis na.simpleng maong short lang at sleeveless shirt na asul ang napili kong isuot tutal ay mejo mainit rin naman ang panahon.
Nagsuot ako ng sapin sa paa at hinayaang lumugay ang buhok ko.maya-maya pa'y nakarinig na ako ng mga katok.si kuya Niel agad ang bumungad sa akin kasama sila Iñigo,Andy,at Rico.sabay-sabay silang ngumiti sa akin at binati.
“Hi,Nathalie”-Rico
“Ang Gandang bungad”-Iñigo
“Hello,kapitana”-Andy
Kaniya kaniyang bati nila kaya ngumiti ako sa kanila.
“Hi din sa inyo.ang po-pogi niyo ngayon ah.”
Natawa sila sa papuri ko at bahagya pang nagsikuhan.
“ehem*maliit na bagay,kapitana”kunwaring nahihiyang saad ni Rico kaya natawa na lang ako.

YOU ARE READING
THE WATSON BROTHERS
RandomPOLY SERIES #1 Sabi nila,pagmahal mo ang isang tao,lahat gagawin mo mapasayo lang ito.na kapag mahal mo ang isang tao,hindi mo siya susukuan kahit na anumang mangyari.iyan ang mga katagang matagal ng pinapaniwalaan ng dalagang si Nathalie.ngunit pa'...