Dumating ang umaga na hindi man lang maayos ang tulog ko.naiisip ko parin ang ginawa nung Kill na yon sa akin.Imposible kayang may gusto rin siya sa akin kaya niya nagawa iyon o trip lang niya katulad ng mga ibang lalaki?
Napailing ako at matamlay na tumayo sa kama para maligo.
Sino pang susunod?si Keifer na ba?haist!nag-aassume na naman ako!pa'no magkakagusto sa akin ang magkakapatid na iyon kung mahirap lang kami?psh.
Pagkatapos maligo ay inihanda ko na ang maliit na maleta para lagyan ng mga gagamitin kong damit.isinama ko dito ang mga doll shoes na paborito ko at sapatos narin.hindi ako mahilig sa mga heels na may takong kaya minsan narin akong nagpapabili kay mama nito at kung may badget lang naman.
Ng makapagbihis ay pinagmasdan ko ang repleksyon ko sa salamin.may suot akong kalo na puti habang ang damit ko ay malaki na puti rin.isang maikling short na itim at ang bagong bili lang ni papa sa akin na rubber shoes nung nakaraang pamamalengke nila ni mama ang suot ko sa paa.
Ngayon ko lang din na pagmasdan ang itsura ko.every time kasi na makakapagbihis ako ay diretso na akong bababa at kakain para hindi kami ma late ni kuya sa pagpasok.
Unti unti ng kumikinis ang mukha ko at wala na itong mga bakas ng tigyawat na hindi katulad noong bata pa lang ako.kumapal rin ng husto kilay ko na bumagay rin naman sa akin.may matangos akong ilong na ngayon ko lang na-realized at mapupulang labi.my gahd!ang cute ko pala char!
Pagkatapos kong hangaan ang sariling repleksyon ay binitbit ko na rin ang maleta ko.magkasabay pa kami ni kuya sa paglabas ng aming sariling kwarto.
“anak ng tupa!short na naman!wala ka na bang pantalon jan at shorts na lang parati sinusuot mo?”naiinis nitong sabi sa akin na ikinanguso ko na lang.
Kay aga aga e!
“ito ang gusto ko kuya e.tsaka hindi rin naman masyadong maikli o,”
Sumama ang tingin niya sa akin dahil sa protesta ko.“gagawin mo pa talaga akong bulag.halos kita na yang singit mo sa iksi niyan 'e!gusto mo bang mabastos doon?”
“si kuya naman,ang advanced mag isip.”
Pinanlakihan niya ako ng mata kaya natikom ko agad ang bibig.
“magpalit ka ulit kung hindi,susunugin ko yang suot mo.”
“kuya naman e,last na lang 'to pramis.”pangungumbinsi ko pa pero sinamaan niya lang ulit ako ng tingin.
“hindi.magbihis ka doon,dali!”sabi niya sa akin at pwersahan akong pinapabalik sa kwarto ko.dahil sa matigas ako,hindi ko hinayaang matangay ni kuya sa mga tulak nito kahit na ang lakas lakas.

YOU ARE READING
THE WATSON BROTHERS
عشوائيPOLY SERIES #1 Sabi nila,pagmahal mo ang isang tao,lahat gagawin mo mapasayo lang ito.na kapag mahal mo ang isang tao,hindi mo siya susukuan kahit na anumang mangyari.iyan ang mga katagang matagal ng pinapaniwalaan ng dalagang si Nathalie.ngunit pa'...