Chapter 5

137 3 0
                                    


Kasalukuyang time out ngayon at sandaling nagpapahinga.tumutulo na ang pawis ko sa noo kaya naman madalian ko iyon pinunasan gamit ang inabot na asul na panyo sa akin ni kuya.Oo nandito siya at nanonood kasama ang kaniyang mga kaibigan.

Binaling ko ang tingin kay Coach Limy ng lapitan niya ako.

“wag mo masyadong ibigay ang lakas mo dahil first set palang.be observant. bantayan mo maigi si Freya yung no.1 ang jersey na suot dahil napapansin ko kanina ka pa niya tinitignan at parang binabasa ang mga kilos mo,okay?”aniya nito kaya tumango naman ako.naghanda na kami ng marinig ang pag pito ng referee.

Taurus flying Eagles, ”sigaw ko.

HAPPY!!”response naman nila kaya sabay na sabay na kaming tumungo sa loob ng court.

Katapat ko ngayon si Freya na ngingisi-ngising nakatingin sa'kin.siya yung bagong gf ni Drake at nakaaway ko kanina.hindi ko na lang ito pinagtuunan ng pansin at nagfocus na lang sa paglalaro.sinunod korin ang sinabi ni coach sakin na bantayan yung si Freya.

Nasa amin ang bola kaya may posibilidad na baka sila ay makapuntos.isa lang ang abante namin at ayokong maabot nila kami.

Kailangan namin ngayon ng matibay na block laluna't kapag si Freya ang bibigay ng spike. hindi ko itatanging malakas itong magbigay ng spike at nakita ko iyon mismo.ang problema lang ay palaging out kapag nanggigigil siya.hindi marunong kumuntrol ng kaniyang lakas.

Mabilis ang pagkilos namin at bahagya akong lumapit sa net na hindi inaalis ang atensyon kay Freya.hindi ko ipinahalatang naka observe ako sa kaniya at ng mags-spike na ay agad na akong tumalon at hinarang ang aking mga braso.napangisi ako ng sumakto ito sa harang ko at mabilis na tumalbog sa kaniyang ulo.

Nakuha namin ang point at masayang nakipag apir sa mga kagrupo ko.ng humarap nako ay isang matalim na titig na ang ibinigay sa'kin ni Freya na hindi ko naman initindi.ano siya,gold?

Ganon lang ang ginawa namin.wala kaming spike na pinapapasok galing sa kalaban kaya agad na tumawag ng timeout ang kabila.

“Nice move captain,”nakangiting ani ni coach Lima kaya ngumiti narin ako.

Nagsalita siyang muli kaya nakinig lang ako at bahagyang nilingon ang kumalabit sa akin na si kuya pala.

Inabutan niya lang ulit ako ng tubig dahil naubusan narin ako sa container ko.“Galing ng kapatid ko naks!pag napili ka mamaya,ililibre kita ng milk tea na gusto mo.”pabiro ko lang siya pinalo sa braso at tumawa ng mahina.

sinabi mo yan kuya ah,”
Kinurot niya lang ang magkabilaan kong pisngi na ikinabusangot ko na lang.

“Taurus flying Eagles, ”

“HAPPY!!”

Nagsimula ulit ang laro pero sa oras na ito ay nakuha ng kabila ang puntos dahil sa service error.

THE WATSON BROTHERSWhere stories live. Discover now