“Mine!”nagtitimping sigaw ko bago mabilis na pinatalbog sa kabila ang bola.“Nathalie Navarro! Down the line! ”
Kanina pa'ko nagtitimpi dito pero isa na lang talaga at papatulan ko na sila.pa'no ba naman, ako lagi pinupwenterya nila kapag nasa kanila ang bola.ang sasakit tuloy ng mga braso ko sa kakasalag.
Wala naman akong ginagawa sa kanila para pag initan nila ako ng ganito.mga bwiset!kapag talaga ako napikon?makikita nila.
Sa ilang oras na lumipas ay nakabawi ang kalaban namin at nakuha nila ang ikatatlong set.todo sigawan ng mga fans nito ang bumibingi sa'min kanina na para bang wala ng bukas.naghihiganti e.
San Esidro-18
San Almonte-15Biglang nagtawag ng timeout ang San Almonte kaya pagod akong napaupo sa tabi ni Tyron.nagse selpon siya ng madatnan ko doon kaya napatikhim naman ako.
Inabutan agad niya ako ng tubig at pinunasan ang noo ko at leeg.kahit papa'no ay nababawasan ang pagod ko kapag nakikita ko siya.charot!
“are you tired?”nabaling ang atensyon ko sa kaniya ng magtanong ito.
Tango lang ang isinagot ko dito dahil pagod na pagod na talaga ako.
Kanina pa ako nagpagulong gulong at palaging nags-save ng bola. Hindi makagalaw ang libero namin dahil parating ako na ang kumukuha at gumagawa ng dapat ay sa kaniya.
Wala naman siyang magawa kaya nagtatanguan na lang kami pareho.
Nahagip ng paningin ko si kuya Niel kasama si Kill at mga kaibigan niya.may hawak silang bola ng pang basketball. umarko ang kilay ko dahil nakapang Jersey pa ito at naka puting sapatos.naknang tokwa!
Kasali pala ng Varsity ang magaling kong kapatid. bakit hindi manlang ito nagpapahala na kasali pala siya ng basketball? Haist!
Kapatid niya ako eh!nubayan!
“wala ka bang sinalihan?”pagtatanong ko sa katabi ko na ngayon ay nagbabasa naman ng maliit na libro.
Bumaling ito sa akin.“meron.”maikli niyang sagot.meron daw?
“ano naman?”
“Football.”
Napaawang ang labi ko sa narinig.hala!baka umitim ang bebe ko.charizz
Wala naman kasi sa itsura niya na marunong pala siyang maglaro tsaaà ganon.bukod na sa parang gatas ang kutis nito na parang hindi sanay sa mainit,ay wala rin sa kaniya ang katangian ng pagiging football player.
Nakangiti ko na lang siyang binalingan. Mamaya pa ang laro ng football pagkatapos ng basketball. Sa hapon naman ang badminton kaya may oras pa'ko para magpahinga.
“talaga ba?good luck pala sayo mamaya.”tumango lang ito sa akin.napanguso naman ako at bahagyang humilig sa matitipuno niyang braso.
Ramdam ko na natigilan siya kaya nagngiting aso nalang ako.
“pwedeng humilig?”umarko agad ang kilay niya dahil sa tanong ko.
Nagtatanong lang naman 'e
“wagka ng magtanong,nakahilig ka na e,”anas niya.napairap na lang ako sa hangin.
YOU ARE READING
THE WATSON BROTHERS
RandomPOLY SERIES #1 Sabi nila,pagmahal mo ang isang tao,lahat gagawin mo mapasayo lang ito.na kapag mahal mo ang isang tao,hindi mo siya susukuan kahit na anumang mangyari.iyan ang mga katagang matagal ng pinapaniwalaan ng dalagang si Nathalie.ngunit pa'...