[Cobra]
Honestly, I was already surprised about the fact that he participated. Akala ko lang kasi, sa apelyido niya, kayang-kaya niyang ma-exempt sa mga ganitong school activities. To save him from the effort.
My speech was all about the importance of conserving various indigenous cultures in the Philippines, also crossing the topic of environmental conservation. I scored a perfect grade for it.
Hindi ko na napanood ang speech ni Kidlat dahil nauna ang section namin. Gusto ko nga sanang panoorin lalo na't ang gwapo-gwapo niya sa suot niya. Halos siya rin kasi ang pinag-uusapan kanina ng mga kaklase kong babae maging ang sa iba pang section. Pero pinaalis din kaming lahat sa section para magbawas ng space sa Student Center kaya hindi ko na napanood.
The rest of the afternoon, I spent it with my friends.
We went to Autumn's house to celebrate our high grades during the speech. His parents ordered food for us and we ended up on their outdoor patio talking about it. Si Ate Fiona, Autumn's older sister, panay ang pagkuha ng litrato kay Autumn habang nagpo-pose ito as Cupid. Kuya Eli, his older brother, was just rolling his eyes while chewing on some barbeque.
"Autumn, alam mo bang mukha kang naka-diaper?" Bara nito habang inaamba ng kapatid ang hawak na gintong pana.
Bumunghalit ako ng tawa dahil ngayon ko lang na-realize na mukha nga. His bottom costume were white and baggy.
"Yohan, aalis ka na?" Reklamo ni Ate Fiona makalipas ang ilang oras naming paglalaro at pagtambay sa may pool area ng bahay nila nang magyaya na akong umuwi.
"Opo, Ate. Mag-aalas sais na rin kasi, e. Aabutan na ako ng dilim sa Tarra Garra."
"Hatid na kita. Parating na ang sundo ko. Uuwi na rin ako," Offer ni Andi.
Sabay kaming umuwi sakay ng kanilang van, inuna akong binaba sa mansiyon ng mga Tarraniaga. I waved at their van as it drove away back to the Hacienda's main gate.
Nang tuluyan silang makaalis, sinulyapan ko ang matayog na gate ng mansiyon.
Hindi ko madalas pansinin ang angking rikit ng gusali, pero iba ngayon. The sky is orange, due to the mixing of the illumination of the sun and the litness of the moon. The luster of the steel reflects the light back, creating an explosion of light.
I read the letters carved at the very top of the iron gate.
Familia: Un vínculo sagrado, un legado ancestral.
I remember asking Papa about the meaning of those words and why were it written on the grand gate of the mansion. Apparently, it means 'family, a hallowed tie, an ancestral legacy'. It's the Tarraniaga's family motto. It's written in Spanish because they have Spanish blood, and most of their ancestors were full-blooded Spanish subjugators. Their ancestors came here from Spain and settled down during the Spanish occupation.
Senyora Charito, Kidlat's grandmother, is in fact pure Spanish. Kidlat is basically one-fourth of Spanish blood. I just don't know if he speaks the language too. Most probably, yes.
I prepared myself. Kakausapin ko na ngayon si Kidlat kung tutuloy pa ba ako. Kasi kung oo, magsisimula na akong maghanda at magpapaalam kina Mama at Papa. Kung hindi naman... edi mag-move on. Ano pa nga ba?
"Nasa'n ang Senorito, Kuya Ronald?" Tanong ko agad nang makapasok sa loob ng mansiyon at mapansing wala siya sa maliit na kwadra kung saan siya madalas. I assumed he was already home because the grand talumpati ended a few hours ago.
"Bakit mo hinahanap?"
Ito ring si Kuya Ronald, e. Ang sarap saktan. Magtatanong pa kasi. Dagdag lang 'to sa naguguluhan kong isipan, e. Parehas lang siya ni Kuya Peter na malisyoso!
BINABASA MO ANG
Where the Thunder Bows Its Head [BL] (Passion Series #1)
RomansaFreshly adopted by a childless couple working in a secluded hacienda, Yohan began his journey as an outsider in the wealthy Spanish clan of the Tarraniagas. With an assertive spirit and a great passion for fashion, Yohan caught the attention of the...