[Friend]
Thunder Tarraniaga sent you a friend request.
'Yon agad ang bumungad sa'kin pagkauwi ko. Kinunutan ko ng noo pero nagsisi rin dahil limang minuto palang ang nakalipas nang in-add niya ako, in-accept ko na siya agad.
I guess it was my pride talking. A little wait would've done the work. Baka kasi isipin niya na I'm always online and available, e hindi naman gano'n 'yon.
Napaisip tuloy ako, may social media naman pala siya? Akala ko lang kasi hindi siya gumagamit ng mga ganitong bagay. For some reason, he just doesn't seem like the kind of person who partakes in these kinds of tangible and cynical things. If anything, he looks like someone who criticize and dispraise it. Calling it an unnecessary social construct.
Hindi ko tuloy namalayan na ini-stalk ko na pala ang account niya habang kung ano-anong samutsaring bagay ang pumapasok sa isipan ko. I clicked his account and scrolled down. 'Yon nga lang, nagtaas agad ang kilay ko nang makitang bagong gawa lang 'yon.
It seems like he created his account ten minutes ago! And we're already mutuals!
There's no posts yet except for his profile picture. At hindi pa 'yon naka-public kaya kailangan ko pang pindutin ang profile icon niya mara makita nang maayos 'yon. It didn't display the likes and the comment section because it was private. Hindi ko rin makita kung may friends din ba siyang iba bukod sa akin.
I had no idea why I felt a tinge of dismay, nang makitang nakatalikod siya sa profile picture niya. Kung hindi ako nagkakamali, rito lang sa hacienda kinunan ang litrato. He was facing the sunset or the sunrise, I couldn't tell.
Nakapameywang. His broad back covered a huge part of the photo. He was wearing blue jeans, a leather belt, and a plain crinkled white shirt. It looked very pinteresty because of the vast grassland ahead of him. That and his handsome figure.
In-off ko nalang ang phone ko at basta lang itong tinapon sa kama nang tawagin na ako ni Mama para kumain.
Nakapagbihis na ako ng pajamas ko bago pa bumaba kaya nang magkatinginan kami ni Mama, I felt her curious stare. I just went to my seat and I pretended like it was nothing. Si Papa naman ay nagsisimula nang kumain habang nakikinig sa radio na mahina lang naman ang volume. It was some local radio station that's currently playing old classic Filipino original music.
"Kumusta ang eskwela, Yohan?" Nagtanong si Papa nang makalipas ang ilang minuto saka sumulyap sa akin. Sandali niya akong tinulungan sa paglalagay ng kanin sa pinggan ko.
Hindi ko naiwasang ngumuso. Malaki masyado ang bowl na pinaglagyan ng kanin at marami 'yon. Mabigat, napansin ni Papa na nahirapan ako kaya tumayo pa siya para siya na mismo ang maglagay sa pinggan ko.
"Ayos lang po."
Tumango siya, bumalik na sa pagkakaupo niya pero nagsalita ulit.
"May mga proyekto ka ba sa eskwela? Pansin ko, hindi ka naman humihingi o nagpapabili ng kung ano?"
Bumaling sa kanya si Mama at mabilis na tumango para sumang-ayon. I just busied myself getting viands from the revolving table top. Adobo ang ulam namin ngayon at ang buko pandan salad naman para sa panghimagas.
I swallowed hard. "Kasya naman po ang projects sa baon ko. At grade seven pa lang naman po ako. Wala pa masyadong binibigay na mabibigat na projects, Pa. At kung meron man, nagpapatulong naman ako sainyo 'di ba? Tulad no'ng sa talumpati? Kaya ayos lang po."
I lied.
Well, in my defense, I partly lied. Two hundred pesos ang baon ko araw-araw. Kung tutuusin, mataas na nga 'yon, e. Para pa sa grade seven. At hinahatid naman ako ni Papa, at sinusundo rin kapag maluwag ang trabaho niya. Kung hindi, si Andi naman o si Autumn ang naghahatid sa akin gamit ang service car nila pauwi kaya nakakamura ako sa pamasahe. Minsan, binabaunan pa ako ni Mama ng lunch para hindi na ako bumili sa canteen, walang bawas sa baon kaya naiipon ko.
BINABASA MO ANG
Where the Thunder Bows Its Head [BL] (Passion Series #1)
RomanceFreshly adopted by a childless couple working in a secluded hacienda, Yohan began his journey as an outsider in the wealthy Spanish clan of the Tarraniagas. With an assertive spirit and a great passion for fashion, Yohan caught the attention of the...