[Compensation]
"Hindi ka talaga nakikinig, 'no? How many times do I have to say na bubugbugin ka nga ng boyfriend niya?!"
I groaned again.
Hindi na naman kasi matigil si Andi sa kaka-sermon, ang aga-aga. Fifteen minutes na lang ang natitira sa lunch break namin pero parang balak niya pa yatang ubusin 'yon sa mga sasabihin niya.
"May fraternity nga ang boyfriend niya, Yohan! Paulit-ulit ka naman, e! Jollibee ka ba ha? Jollibee ka ba?" Iritang-irita na siya. "Kapag ikaw napag-initan, talagang itatanggi kita! You heard me! I don't know you!" She continued with her laments.
"Go on, then. Deny me."
Umirap ako at pinagpatuloy ang pagsipsip sa binili kong milktea sa mga stalls. Andi just won't shut up. Mahilig 'tong kumain pero kahit may limang graciosa bread at champorado na sa mesa namin, hindi pa rin tumitigil. Nasobrahan na siya sa pagiging praning.
She has been blabbering about this dilemma of her over and over again and I'm beginning to get sick of it. Hindi ko naman kasi kasalanan kung lapit nang lapit sa akin si Minzy. At bakit ako matatakot sa boyfriend niya, e wala naman akong gusto sa babaeng 'yon?
Oo, nagagandahan. Pero nagagandahan lang! Wala naman akong balak pormahan 'yon, e! Ni hindi ko kailanman binalak pomorma sa kahit na sino! Baka sila pa ang pumorma sa'kin!
At halata namang si Minzy ang may gusto sa'kin. Kung iiwas ako, aba, bakit ako pa ang mag-aadjust?!
"'Wag mo na kasing pansinin! Kaya ka nilalandi kasi pinapatulan mo rin, e!"
"I already told you, I didn't flirt with her-"
"Anong hindi? Kinindatan mo palang siya kanina, ah! You're a very big flirt for your age, Yohan-"
I hissed. "I was joking! I only did it so they'd tease us," I snapped. "Para magpatawa!"
"You're an asshole."
She's talking about what happened in our homeroom earlier today. Nangangampanya si Minzy ngayon para sa school election. Pambato siya ng isang political party sa school bilang grade nine representative, at inisa-isa yata nila ang mga room sa mga piling department ngayong umaga para mangampanya. Napagkatuwaan kaming tuksuhing dalawa ng buong section kaya pumayag akong magpa-picture.
Pero wala lang naman 'yon, I swear to my existence. I just did it because the discussion was very tedious and dull. I was simply fed up with boredom. Plus, my classmates was making too much fuss about it, kahit na ilang beses ko nang itinanggi ang tungkol doon. I don't like Minzy. I winked at her for the sake of a comedy relief. At this point, I would join any kind of temporary amusement to get through this boring school day. Napakilig ko naman silang lahat. That was the whole point of it all.
At isa pa, may iba akong crush.
Palihim akong ngumisi.
Class president ng stem section one. Grade eight. It's been three days since I last saw her. At kapag nakikita ko naman, I could only gaze from afar.
Hindi ko kasi alam kung paano ko kakausapin. I heard she's a news writer, sa Celebes, our school paper. Andi said she knows and somewhat close to her. Ayoko nga lang magpatulong sa kanya para makausap. I can do it on my own, anyway.
Tumingin ulit ako kay Andi na nakasandal na sa estante habang miserableng kumakain ng graciosa bread. I sighed and loosened up the collar of my school uniform. Pagkatapos ay tumayo ako at nilapitan na siya sabay inakbayan. She snorted again, pero hindi naman ako tinaboy.
Alam ko namang nag-aalala lang siya. She doesn't want me to be beaten up by Damon and his group of failure idiots. Kahit pa hindi naman ako natatakot sa kanila.
BINABASA MO ANG
Where the Thunder Bows Its Head [BL] (Passion Series #1)
RomanceFreshly adopted by a childless couple working in a secluded hacienda, Yohan began his journey as an outsider in the wealthy Spanish clan of the Tarraniagas. With an assertive spirit and a great passion for fashion, Yohan caught the attention of the...