KAPITULO 9

260 34 22
                                    

[Escape]

"Red ang theme?!" Napatanong ako. Medyo marahas pero hindi naman siya nagtaka sa paraan ng pagtatanong ko. Kinalma ko ang sarili ko. "I-I mean, sa party na pupuntahan mo bukas?"

She nodded. "Yes. Theme and dress code. Apparently, fan ni Taylor Swift ang birthday girl. Her favorite album is Red so that's also the theme. Gano'n din sa attire..."

Napatingin ulit ako sa suit na naka hanger sa cabinet ko. Oh, fuck me. It's really white! Even the inner shirt is white! I don't have a single trace of any red thing on it!

"Are you okay, Yohan? Mukha nakakita ka ng multo riyan. Wala pang halloween, ha." Humalakhak siya.

Hindi na ako napakali hanggang sa maibaba ni Andi ang tawag. I can't believe Kidlat didn't tell me anything about it. O, alam kaya niya na may theme? Baka hindi niya rin alam?

Ako:

It's me, hi!

Ako:

Are you still up?

I sent it to his messenger account immediately. I waited for his reply while I paced back and forth inside my room. Pero nabagot nalang ako dahil lumipas ang ilang minuto na wala akong natanggap mula sa kanya.

I looked at my watch. It's still 6:30 in the evening. Kung gagalaw ako ngayon palang, pwedeng pwede ko pang magawan ng paraan para mag-incorporate ng anything red sa susuotin ko.

I could do that. Para saan pa at marunong akong manahi?

I bit my lip and took my phone again. Nag-chat ako ulit.

Ako:

May itatanong lang ako.

Tulog na ba siya? Grabe naman. Ang aga niya naman matulog kung gano'n. Pero sabagay, we're going to leave early tomorrow so maybe he's saving up some sleep?

Hindi pwede! I need to confirm if it was true! I mean, hindi naman magsisinungaling si Andi for nothing, pero kahit na! I need to know! From Kidlat!

Kung kailangan kong puntahan siya sa mansiyon nila ngayon, gagawin ko talaga! Maaga pa naman, e. Wala pa ngang alas siyete.

Habang hinihintay ang reply niya, kinuha ko ang pares ng white suit na naka-hanger sa cabinet ko at nilagay iyon sa kama ko. Gano'n din ang inner dress shirt. I spent minutes pacing back and forth in my room again, trying to come up with ideas and solution.

Maybe I could wear a red necklace? Nakabili na ako ng sapatos kanina pero pwede ko pa naman sigurong palitan 'yon at magsuot ng iba. I have red shoes, isa sa mga binili namin ni Mama noon. Pwedeng 'yon nalang. Should I also wear a red necktie? Red accessories? Is that enough red? Pero saan naman ako kukuha ng pulang necktie?

I was still brainstorming when my phone clicked for a notification. It was nearing seven o'clock when he replied. I ran to my phone and quickly opened it.

Kidlat:

Sorry, I took a bath.

Kidlat:

What is it?

I bit my lower lip and typed on my phone.

Ako:

Is it true that there's a color theme? Bukas? Red daw?

It took him a minute to reply, kahit na naka-seen naman siya kaagad nung sinend ko.

Kidlat:

How did you know?

My forehead creased. So... alam niya?

Ako:

My best friend, Andi, will be there tomorrow. Her family is a family friend of yours. Sa kanya ko nalaman.

Where the Thunder Bows Its Head [BL] (Passion Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon