KAPITULO 15

229 23 7
                                    

[Beach]

Mabilis na lumipas ang mga araw, linggo at buwan sa Tarra Garra.

It was weird. Minsan nga ako rin ay nalilito na. I was sure it never felt this way during my first months here. Naaalala ko noon na madalas pa nga akong maburyo sa sobrang bagal ng usad ng panahon dito sa Hacienda. I would just snooze in my treehouse all day, waiting for the days to scroll by until the school year starts. But it's all so different now.

Now that Kidlat and I have gotten closer together, I sometimes feel as though the time is ticking abnormally fast. Days flip twice the normal speed now. And I'm certain I would even pay a price just so it could return to its original pace.

Siguro gano'n nga talaga 'yon? Mabilis umusad ang panahon kapag masaya ka at wala masyadong problema. Mabagal naman kapag malungkot at maraming bumabagabag.

When you are happy, you often get really into what you're doing. Whereas when you are sad, you tend to be more introspective and focused on your inner experiences.

"Is it really that good? I feel like you're just being too kind to me." Umirap ako at tinalikuran siya. "But you're really bluffing."

I heard and felt him sighing. He put down my journal on his other lap and lowered his gaze to look at me clearly. I slowly felt his hands starting to caress my hair gently.

"No, I am not. Masarap naman talaga, Yohan. Bakit ayaw mong maniwala?"

Today is the first day of our semestral break. Monday. It's the last days of October. At wala kaming pasok hanggang sa pagtapos ng araw ng mga patay sa Nobyembre. Isang linggong walang eskwela. Kaya siguro kung hindi ko pa kaibigan si Kidlat ngayon, mamamatay na ako sa sobrang bagot dito dahil wala akong ibang makausap.

Autumn and Andi are both out of town. Autumn went with her sister to Hong Kong to accompany her for a concert. Si Andi naman ay bumisita sa mga kamag-anak na nakalibing sa Cebu. I have no one else to hang out with here but Kidlat.

I'm not saying Kidlat is my last choice, okay? Iniisip ko lang ang posibilidad na kung hindi ko pala siya kaibigan ngayon, aba wala talaga akong ibang makakausap buong semester break! Lalo na't marami rin ang gawain sa mga plantasyon ng Tarra Garra ngayon kaya abala sina Mama at Papa at madalas wala sa bahay kahit tuwing tanghali.

I honestly prefer us four to hang out together. Me, Kidlat, Andi, and Autumn. 'Yon nga lang ay hindi namin nasasaktuhan na lahat kami ay libre. Besides, Andi and Autumn doesn't necessarily click with the Tarraniaga heir that much. And I don't really want to insist it further.

They say they're always a bit intimidated by him. I totally get it cause that's what I used to feel like as well. Hinayaan ko nalang din.

"I don't know. Because you don't want to make me feel bad?" Agap ko sa naunang argumento. "You can criticize me, you know? I allow you to."

Inis na siyang bumaling sa akin. Magkasalubong ang kilay at bahagyang nakataas ang dulo ng labi.

I hid the ghost of my smirk.

We're at my treehouse today, in my adequate sized bed. Nakaupo siya, nakasandal sa may bintana. The afternoon breeze coming in from the window and blowing some strands of his hair. Ako naman ay nakahiga sa paanan niya at ginawang unan ang kaniyang binti.

"I would let you know if it tasted bad. Why would I sugarcoat it? You don't trust your cooking skills?"

I tried so hard to hide my smirk and satisfaction looking at him so annoyed of me. Ito na siguro ang pinakapaborito kong past time sa lahat. Ang asarin siya at inisin.

"Fine." I raised my white flag of surrender.

Alas singko i-medya na ng hapon ngayon. Kagagaling lang namin sa white house kanina dahil doon sila naglaro ng basketball nina Kuya Peter. I brought them the tiramisu cake that I baked in the morning. 'Yon ang pinagtatalunan namin ngayon. Kung masarap ba talaga o nagsisinungaling lang siya sa'kin.

Where the Thunder Bows Its Head [BL] (Passion Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon